Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Sa XM pinapahalagahan namin ang mga kliyente tulad ng pagpapahalaga sa kanilang pinakamalalapit na mahal sa buhay. Ito ang rason kung bakit inorganisa namin ang XM Family Day sa Kuala Lumpur noong July 28, 2018, para bigyang-daan ang mga bisita na gumugol ng panahon kasama ng kani-kanilang mga pamilya.
Ang kakaibang araw na ito ay isinagawa sa Bukit Kiara Equestrian & Country Resort, Kuala Lumpur, para gunitain ang pagsasama-sama ng mga pamilya, at dito sinalubong namin ang maraming bilang ng mga kliyente kasama ng kanilang mga mahal sa buhay.
Maraming programa ang inihanda para sa aming mga kliyente pati na para sa kanilang mga asawa’t anak na nais magkaroon ng araw na iba mula sa karaniwang gawain at mabigyan ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay ng mga masasayang aktibidad at libangan sa isang magandang kapaligiran. Habang may mga masasayang aktibidad na inihanda para sa mga bata, ang aming mga kliyente ay nagkaroon ng pagkakataong sumali sa Lucky Draw, na nagbigay ng mga premyo para sa layuning gawing mas espesyal ang kanilang mga araw.
Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa XM Family Day sa Kuala Lumpur. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa di malilimutang araw na ito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.