Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Taon-taon, tuwing ika-22 ng Abril, mahigit isang bilyong katao ang nagdiriwang ng Earth Day. Isa itong araw na dedikado sa pagprotekta ng ating planeta mula sa polusyon at pagkasira ng kagubatan. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad tulad ng pagpupulot ng basura at pagtatanim ng mga puno, ginagawa ng lahat ang kanilang makakaya para gawing mas masaya at mas maganda ang mundong tinitirahan natin.
Para ipakita ang aming pakikiisa, pinili namin ang Abril 22 para ipagpatuloy ulit ang taunan naming donasyon sa World Wildlife Fund (WWF). Layunin nitong NGO na magkaroon tayo ng hinaharap kung saan matiwasay tayong namumuhay katuwang ng inang kalikasan, at nagsisikap itong pangalagaan at ipanumbalik ang biodiversity sa buong mundo. Napakahalagang bawasan ang idinudulot nating pinsala sa kapaligiran para masiguro na mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang ating likas na yaman. At ito ay isang bagay na talagang sinusuportahan namin.
Kung gusto mong tumulong sa pagprotekta ng mga nanganganib na hayop at kanilang mga tirahan, mag-donate sa WWF sa pamamagitan ng pag-click dito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.