Nagbigay ng Donasyon ang XM sa UNHCR para ang mga Refugee

Ipinaskil Marso 4, 2022 ng 2:30 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng donasyon kamakailan ang XM sa UN Refugee Agency na UNHCR bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na tulungan ang mga refugee na tumatakas sa kaguluhan sa Ukraine.

Tinatayang humigit-kumulang 1 na milyonrefugee ang umalis na ng Ukraine papunta sa mga karatig bansa. Inaasahan ng UNHCR na dadami pa ito sa higit 4 na milyon dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon.

Nagbibigay ang UNHCR ng tirahan at saklolo sa mga pamilyang nangangailangan. Mayroon din itong tulong-pinansyal sa mga naghihikahos at nagsisikap itong makapagbigay ng pangmatagalang solusyon sa kanilang katayuan bilang mga refugee. Sinusuportahan din nito ang mga na-displace sa sarili nilang bansa sa pamamagitan ng mga Protection Cluster.

Patuloy na nagbibigay ng suporta ang XM sa mga kritikal na serbisyo tulad ng UNHCR sa Ukraine, bilang bahagi ng mga inisyatiba nito sa pagtulong sa lipunan.

Para magbasa pa tungkol sa ginagawa ng UNHCR sa Ukraine at para magbigay ng donasyon, bisitahin ang kanilang website dito.