XM Tumulong sa Kapakanan ng mga nasa Pakistan

Ipinaskil Mayo 15, 2023 ng 12:33 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Ramadan, sinuportahan ng XM ang Sahara Public Rights Welfare (SPRW) Organization.

Bilang bahagi ng patuloy na pagtulong ng XM, nagbigay kami ng donasyong pagkain at pera para sa medikal na pangangailangan ng mga pasyente sa SPRW.

Sa loob ng mahigit tatlumpung taon, ang Sahara Public Rights Welfare Organization, na itinatag noong 1988, ay sumusuporta sa mga may sakit, matatanda, may kapansanan sa pangangatawan at pag-iisip, pati mga bata. Nagsimula lang ito sa munting grupo, pero lumaki na ito ngayon sa isang malaking organisasyon na nagbibigay ng serbisyo para sa kapakanan ng marami.

Binisita namin ang kanilang Sahara Village Old Age Home na matatagpuan sa Karachi, Pakistan, kung saan nagbibigay sila ng arawang kalinga, medikal na tulong, aktibidad na panlibangan, pati ng tirahan sa mga nakakatandang pasyente.

Di namin malilimutan ang oras na inilaan namin dito. Nasasabik kaming makipagtulungan ulit sa Sahara Public Rights Welfare Centre sa hinahrap. Mababasa mo ang tungkol dito sa pamamagitan ng pag-click nitong link.