Donasyon ng XM sa Pagpagawa ng Klinikang Pambata

Ipinaskil Pebrero 6, 2023 ng 11:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang pinakabago naming inisyatiba sa Corporate Social Responsibility (CSR) ay nalalapit sa aming puso – ang pagpapagawa ng Amerikos Argyriou Paediatric Center sa Limassol.

Gagamitin ang aming donasyon para pagandahin ang pasilidad at bumili ng mga kailangang gamit sa klinika dahil kasalukuyan itong pinapaganda at ginagawang moderno.

Ito ang kauna-unahang klase ng ganitong klinika sa Cyprus na nag-aalok ng dedikadong espesyalista sa pag-aalaga ng mga bata. Kinailangan pang magpasa ng bagong batas para mabigyan ito ng lisensya, dahil sa panahong ‘yon, wala pang ibang klinika na kagaya nito. Nagbigay ito ng plataporma sa radikal na pagbabago pagdating sa pagpapagamot ng mga batang may intelektwal na karamdaman, at sa pagtataguyod ng mga prenatal test. Ipinangalan ito sa doktor na nagpasimuno ng proyekto at itinuturing na nagsalba sa buhay ng libo-libong tao sa isla.

Si Dr. Amerikos Argyriou ay pioneer sa medisina na isa sa mga pinakasikat na doktor sa bansa, at kilala rin siya sa ibang bansa. Patuloy siyang nagsilbi hanggang sa edad na 81, at nakapagbigay siya ng pag-asa at dignidad sa libo-libong tao na may intelektwal na karamdaman, pati na sa kanilang mga pamilya.

Dati, malupit ang pagtrato sa mga may kapansanan. Karaniwan silang napapabayaan at may iba pa ngang nakaposas sa kama. Kaya naman, ang mga ginawa ni Dr. Argyriou ay nakapagbigay ng marangal na solusyon. Ang kanyang mga pagsisikap, sa pamamagitan ng pagtatag ng Theotokos Foundation, ay nakatulong para maalis ang negatibong pagtingin sa kapansanang ito, at gabayan sila tungo sa pamumuhay sa lipunan.

Ang donasyon namin ay isang kontribusyon sa pagpapaganda ng palaruan sa pasilidad, pagbili ng mga kailangang gamit tulad ng bed sheets, unan, pati na ng mga kurtina at divider ng kwarto.

Mababasa mo dito ang tungkol sa Center at mga serbisyo nito.