Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Oranisasyon na Plan Korea

Ipinaskil Marso 16, 2022 ng 10:53 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ang XM ng donasyon sa Plan Korea, isang organisasyon sa Korea na para sa kapakanan ng mga bata, bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang karapatan ng mga bata at pagkakapantay-pantay para sa mga batang babae sa buong bansa.

Nagbibigay ang Plan Korea ng mga edukasyonal na serbisyo at namamagitan ito laban sa diskriminasyon sa kasarian o lahi. Nakikipagtulungan din ito sa iba pang mga organisasyon para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga bata sa hindi mauunlad na bansa, at sinusuportahan ang kanilang pangangailangan na matugunan ang mga pangunahing pamantayan sa pamumuhay.

Partikular na nakatuon itong organisasyon sa karapatan ng mga kababaihan at batang babae, at sinusuportahan ito ng donasyon ng XM. Naaapektuhan ng kahirapan at pangangailangang pang-kalinisan ang mga batang babae at kababaihan sa maraming mahihirap na komunidad, at sinisira nito ang kanilang kalusugang kaisipan at pisikal.

Ang programa ng XM sa corporate social responsibility ay aktibong nakikipagtulungan sa mga organisasyon tulad ng Plan Korea, na nagsisikap gawing mas patas at ligtas na lugar ang ating mundo.

Para magbasa pa tungkol sa Plan Korea at kanilang mga ginagawa, at para magbigay ng donasyon, pumunta sa link dito.