XM Nagbigay-tulong ngayong Ramadan

Ipinaskil Abril 7, 2023 ng 8:09 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakatutok kami sa pagpapalaganap ng responsibilidad sa lipunan, sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga inisyatiba na nakakapagbigay ng malaking pagbabago sa buong mundo. Ngayong taon, para sa Ramadan, nagbigay kami ng donasyon sa tatlong organisasyon sa gitnang silangan at hilagang Africa.

  • Layunin ng Haya Karima o “Disenteng Buhay” na maibsan ang paghihikahos ng mga mamamayan ng Egypt sa pamamagitan ng mga makatao at pangkaunlarang gawain. Magbasa pa at mag-donate dito.
  • Tumutulong ang Shareteah Humanitarian Organization na makabalik sa pag-aaral ang mga batang walang tahanan. Magbasa pa at mag-donate dito.
  • Ang High Atlas Foundation ay isang asosasyon sa Morocco na nakatutok sa pagpapalawak ng pangmatagalang kaunlaran at pagsuporta sa mga lokal na komunidad. Magbasa pa at mag-donate dito.

Kritikal ang papel nitong mga organisasyon sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan nito sa kanayunan at mga lungsod.

Iniimbitahan namin ang komunidad ng XM na samahan kami sa pagsuporta nitong mga organisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon, pagboboluntaryo, o pagbabalita ng tungkol sa mahalaga nilang ginagawa.

Magkasama tayong makakagawa ng pagbabago sa buhay ng mga nangangailangan.