XM Tumulong sa mga Ulilang Bata sa Iraq

Ipinaskil Disyembre 7, 2022 ng 11:09 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan ang XM sa Nobles Foundation at Shareteah Humanitarian Organization sa Iraq para suportahan ang mga ulilang bata sa Baghdad at Dohuk na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Maraming bata ang nahihirapang bayaran ang mga pangunahing gastusin sa paaralan at napipilitan silang huminto dahil sa kakulangan ng suporta at kalinga ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagbigay kami ng mga donasyon na bag, kwaderno, papel, at uniporme sa mga batang hindi makabili ng mga gamit pang-eskwela.

Napakaraming bata ang humihinto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. May mahigit 5 milyong ulila at mahigit 1 milyong na-displace na bata sa Iraq. Marami sa kanila ang gustong pumasok sa eskwela pero hindi nila makayanan. Dahil hindi sila makapag-aral, wala rin silang pagkakataong umunlad at bumuo ng mas magandang hinaharap. Limitado lamang ang kanilang opsyon dahil sa kawalan ng istraktura at oportunidad na naibibigay ng edukasyon, at marami ang humaharap sa matinding kahirapan.

Nagbibigay ng mga pribadong aralin, gamit pang-eskwela, at uniporme ang mga organisasyon na tulad ng Nobles Foundation at Shareteah Humanitarian Organization. Sa pamamagitan nito, mas madaling naaabot ang edukasyon at natutulungan ang mga bata na tapusin ang kanilang pag-aaral upang makaahon sila sa kahirapan.

Isa sa mga layunin ng aming Corporate Social Responsibility program ang gawing abot-kamay ang de-kalidad na edukasyon. Sa loob ng maraming taon, sinuportahan ng XM ang maraming organisasyon na nakatuon dito, at marami pang pagsasanib-pwersa ang nakahanda sa hinaharap.

Kung gusto mo pang malaman ang tungkol sa kanilang mga ginagawa o magbigay ng sariling kontribusyon, bisitahin ang website ng Nobles Foundation dito at Shareteah Humanitarian Organization dito.