Nag-donate ang XM sa NPO na Human Initiative

Ipinaskil Hunyo 1, 2022 ng 2:18 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pakikiisa sa non-profit na organisasyon sa Indonesia na Human Initiative, nagbigay ng donasyon ang XM nitong Marso bilang pagsuporta sa mga komunidad na tinamaan ng pagsabog ng bulkang Semeru.

Ang Semeru ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa silangang Java, sa Indonesia. Dahil sa malakas na pagputok nito noong Disyembre 2021, napakaraming tao ang namatay at napilitang lumikas sa ligtas na lugar ang libo-libong residente.

Patuloy pa rin ang pagsagip at pagkilos ng Human Initiative upang tulungan ang mga nakaligtas at kanilang mga pamilya. Bilang pakikipagtulungan sa lahat ng mga naapektuhan nitong kalamidad, at para makapag-ambag sa misyon ng Human Initiative, nagbigay ng donasyon ang XM nitong Marso 2022 upang maipatayo ulit ang mga nawasak na tore ng tubig, dahil lubos na nangangailangan ng malinis na tubig ang lokal na mamamayan.