Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Slum Kids Foundation

Ipinaskil Hunyo 21, 2017 ng 8:09 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang XM, kasama ng Slum Kids Foundation mula Thailand, ay nagsagawa na naman ng proyektong pangkawanggawa para sa mga taong nangangailangan.

Noong ika-15 ng June 2017, ang mga kinatawan ng XM ay bumisita sa Slum Kids Foundation sa Bangkok, Thailand, para sa isang araw na pangkawanggawa, kung saan nagbigay ito ng donasyon para tulungan ang mga batang kapos sa pang-araw araw na pangangailangan. Sa mismong event, nagbigay kami ng donasyong pagkain, medisina at damit sa foundation – na may layuning pabutihin ang sitwasyon ng mga batang dumadanas ng kahirapan at kapabayaan.

Ang Slum Kids Foundation ay nagtataglay ng apat na day care centers at pribadong day care homes, na ginawa para makapagbigay ng pangmatagalang pag-aalaga, edukasyon at ligtas na tirahan para sa mga batang may edad na apat na buwan hanggang limang taong gulang na may mga magulang na lulong sa droga, o hindi makapag-sustento sa kanilang mga anak.

Para sa XM, na aktibong tumutulong para sa responsibilidad nito sa lipunan, ang pagbibigay ng pagkain at medisina sa Slum Kids Foundation ay higit pa sa kabutihang-loob – ito ay isang tunay na gawa para tulungan ang mga nangangailangan ng suporta para sa mas maginhawang buhay.

Habang isinasagawa ang event, ang mga miyembro ng XM ay nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo sa parehong mga bata at kanilang mga kamag-anak na pumunta sa isang-araw na programa, pati na rin magkaroon ng kaalaman sa kung paano tumatakbo ang Slum Kids Foundation at kung ano ang mga pinapahalagahan nito. Ito ay nakapagbigay ng napakabuting karanasan sa mga dumalo, na siyang makikita sa mga larawang kinuha sa event.