Nagbigay-tulong ang XM sa mga Batang Rohingya

Ipinaskil Enero 13, 2023 ng 9:56 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa XM, hindi kami lumalayo sa pangunahin naming misyon na makagawa ng pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo. Mas matindi pa ang paniniwalang ito pagdating sa mga kapus-palad.

Kamakailan lang, nakipagtulungan kami sa Humanitarian Care Malaysia Berhad (MyCARE) para magbigay ng mga gamit pang-eskwela sa mga batang Rohingya na refugee sa 3 paaralan sa Selangor at Johor. Binisita ng aming mga kinatawan pati ng CEO na si Ms. Stavri Morti ang isa sa mga paaralan sa Tahfiz Al-Amin para magbigay ng mga gamit, at naglaan din ng oras sa pakikilahok sa mga aktibidad kasama ng mga bata. Mapapanood mo ang video dito.

Sa kabuuan, halos 100 bata ang nagkaroon ng mga bola ng football, sapatos, bag, chess, smart laptop projector, smart TV, at marami pang iba. Sa pamamagitan nito, masaya silang matututo at makakapaglaro tulad ng ibang mga bata.

Marami sa atin ang nakakaranas ng hamon na kinakaharap ng mga refugee, lalo na sa panahon ng pagsubok. Para sa maraming batang Rohingya na nakatira sa Malaysia, ang pagkakaroon ng edukasyon at pantay na oportunidad ang magbibigay-daan para makapaghanda sa kinabukasan at mahanap ang kanilang landas sa buhay.

Matatag ang aming paniniwala na ang mga kabataan ngayon ang magiging lider sa hinaharap. Tulad ng MyCARE, determinado kaming ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga proyekto at organisasyon na lumalaban sa kahirapan, gutom, at iba pang panlipunang problema sa buong mundo.

Mababasa mo ang tungkol sa mga proyekto at misyon ng MyCARE at makakapagbigay ka ng donasyon dito.