Diamond Sponsor ang XM sa Money Expo Mexico

Ipinaskil Hulyo 4, 2023 ng 8:58 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Mayo 24 at 25, kasali ang XM team sa kapana-panabik na Money Expo Mexico! Sa wakas, dumating na sa Mexico itong prestihiyosong event na nakatutok sa pag-trade at pag-i-invest. Bilang isang Diamond Sponsor, sumabak kami sa entablado para ituro at ipaalam sa traders ang mga pinakabagong kaganapan sa mundo ng pananalapi.

Maraming bisita ang nagtipon sa booth ng XM para alamin ang mga napakagandang produkto at serbisyo na inaalok nito. Pero di lang yan! Nagbigay din ng presentasyon ang coach namin na dinagsa at ikinabilib ng mga trader. Naging daan ito para makapagpalitan ng ideya at malaman ang mga benepisyo sa pag-trade sa XM.

Ang expo na ‘to ay ang pinakaangkop na lugar para sa mga baguhan at beteranong trader na gustong matuto at makakuha ng pananaw mula sa mga eksperto sa pananalapi. Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang personal na pera at diskarte sa pamumuhunan, pati ang pamamahala ng yaman, kaya nakatulong ito sa mga bisita na gumawa ng mas mainam na desisyon sa pag-invest.

Ang Money Expo Mexico ay nagbigay ng oportunidad para makilala ang ibang traders at napagsama-sama nito ang mga taong mahilig mag-invest at mag-trade.

Nagdagdag ng kasiyahan ang mascot namin na si XM Bull. Sa kanyang paglilibot sa Citibanamex Centre, napakaraming bisita ang humiling na kumuha ng litrato kasama niya.