Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Katuwang ng XM ang Loving Hands para sa mga Kabataan sa Uganda

Ipinaskil Mayo 13, 2019 ng 7:21 AM GMT

Pangunahing layunin ng XM Foundation ang direktang pakikilahok sa kawanggawa. Bagama’t ang aming mga misyon para makatulong ay karaniwang may kinalaman sa iba’t-ibang aktibidad sa kawanggawa, nakikipagtulungan din kami sa mga organisasyon na naglilingkod para sa kapakanan ng mga taong kapos sa lipunan. Matapos ang pagbiyahe ng aming pangkat sa Uganda noong 2017 dahil pagpapasinaya ng bagong gusali sa paaralang Aristotle na itinayo ng XM para sa mga kabataan ng bahay-ampunan na Saint Antonios of Monde sa Wobulenzi, ngayong taon [..]

post-image

Kawanggawa ng XM Kasama ng ActionAid – Magkatuwang na Pagsuporta sa Kabataan

Ipinaskil Mayo 3, 2019 ng 12:56 PM GMT

Nagpapatuloy ngayong taon ang inisyatiba ng XM na sinimulan noong 2017, sa pakikipagtulungan sa ActionAid, para makapag-ambag sa internasyonal na Programa sa Pagsuporta sa Kabataan. Sa panahon ngayon kung saan dumadami ang bilang ng mga batang naghihikahos mula sa matinding kahirapan, at patuloy na lumalala ang pagiging salat sa kalusugan at lipunan, ginagawa ng XM Foundation ang makakaya nito para matulungan ang mga apektadong komunidad at maibsan ang malupit na kinakatayuan nila sa buhay. Nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng [..]

post-image

Kawanggawa ng XM para sa mga Kabataan sa Timog-Silangang Asya

Ipinaskil Marso 28, 2019 ng 12:58 PM GMT

Noong Marso, naghatid ang XM ng dalawang magkasunod na donasyon sa Timog-Silangang Asya, na parehong may layuning suportahan ang misyon ng XM Foundation para makatulong sa kapakanan ng mga kabataan sa isang makahulugang paraan. Ang mga hakbanging ito na nakatuon sa mga bata ay isinagawa sa Indonesia noong Marso 20 at sa Malaysia noong Marso 21. May layunin itong makapagbigay ng pag-asa sa pangmatagalang pag-unlad, kalusugan at kapakanan ng mga batang nangangailangan, at para masiguro ang pantay-pantay na oportunidad ng [..]

post-image

Nagbigay Donasyon ang XM para sa mga Kabataan sa South Africa

Ipinaskil Oktubre 25, 2018 ng 7:00 AM GMT

Ang kawanggawa ng XM Foundation ay nakarating na sa iba’t-ibang panig ng mundo, kung saan naabot na nito ang mga indibidwal at komunidad na nangangailangan, para sa layuning makatulong sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng makabuluhang paraan. Tapat sa aming pangako na walang hangganan ang pinansyal na tulong at emosyonal na suporta, kailanman o saanman ito kinakailangan, dumayo sa South Africa ang ilan sa mga miyembro ng XM para makipagtulungan sa Food Forward SA (FFSA). Dahil ang FFSA, na isang [..]

post-image

Kawanggawa ng XM sa Makati, sa Pilipinas

Ipinaskil Oktubre 2, 2018 ng 7:07 AM GMT

Nitong nakaraang buwan, nagsagawa ang XM ng kawanggawa sa Pilipinas para sa kapakanan ng mga taong may kapansanan. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa KAISAKA, isang programa na naka-tuon sa rehabilitasyon ng mga komunidad para mabawasan ang hikahos ng mga may kapansan, bumisita ang XM noong September 21 sa mga maralitang taga-lungsod sa Makati, na parte ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas, para magbigay tulong sa mga may kapansanan at kanilang mga pamilya. Mula noong magsimula ito, layunin na ng XM na [..]

post-image

Nagbigay Donasyon ang XM Matapos ang Lindol sa Lombok

Ipinaskil Setyembre 7, 2018 ng 12:35 PM GMT

Bilang mahalagang parte ng CSR ng XM, nangunguna ang pagtulong sa mga indibidwal at mga komunidad na nangangailangan – at higit sa lahat, kasabay ng patuloy na dedikasyon. Ang isla sa Indonesia na Lombok, na tinamaan ng nakapipinsalang 6.9 magnitude na lindol noong August 5, 2018, ay nakaranas na ng mahabang serye ng mga matitinding kalamidad na karaniwang dinadanas ng mga isla na makikita sa Indian Ocean at Pasipiko. Ang tulong na ibinigay ng XM para mapaginhawa ang sakit at [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa mga Biktima ng Wildfires sa Greece

Ipinaskil Hulyo 31, 2018 ng 12:40 PM GMT

Bilang pagkukusa para pahupain ang pinsala na naidulot ng mga nakawasak na wildfires sa Greece nitong July, nagbigay ang XM ng 5,000 EUR sa mga biktima at kani-kanilang mga pamilya para mabawasan ang sakit ng trahedya na kanilang dinanas. Dumadami kada araw ang 70 kataong namatay at mahigit sa 200 nakaligtas mula sa wildfires na nagsimula sa paligid ng Athens, ang kapital ng Greece, at nag-resulta ito sa mahigit 700 katao na pinalikas mula sa lugar ng Mati. Ang matinding [..]

post-image

Kawanggawa ng XM Para sa mga Batang Maralita

Ipinaskil Abril 11, 2018 ng 6:58 AM GMT

Noong April 3, nagsagawa ang XM ng kawanggawa katuwang ng Foundation for Slum Child Care, sa Bangkok, Thailand, para pabutihin ang kalidad ng buhay ng mga batang nangangailangan. Dahil layunin ng XM Foundation ang magkaroon ng positibong epekto sa buhay ng mga indibidwal, isang mahalagang bahagi nito ang dedikado sa pagtulong sa mga kapus palad na mga bata sa pamamagitan ng makahulugang paraan. Ang kawanggawa ay isinagawa sa Bangkok noong April 3. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakipag-ugnayan ang [..]

post-image

Pagtatanim ng mga Puno para sa Hinaharap – Misyon ng XM sa Indonesia

Ipinaskil Marso 20, 2018 ng 8:12 AM GMT

Nitong mga nakaraang taon, patuloy na nagtrabaho ang XM sa iba’t-ibang parte ng mundo para ipagpatuloy ang corporate social responsibility nito. Ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa sa Indonesia, kung saan kritikal ang pag-protekta sa kalikasan. Saanmang parte ng mundo tayo nakatira, ang kalikasan ay may direktang epekto sa ating buhay. Sa XM hindi lang namin ito batid, ngunit gumagawa din kami ng aksyon para protektahan at makatulong sa kalikasan. Kamakailan lamang, marami sa mga miyembro ng XM ang [..]

post-image

Kawanggawa ng XM para sa Kapakanan ng mga Bata

Ipinaskil Marso 20, 2018 ng 8:12 AM GMT

Noong March 7 ngayong taon, naging tapat na naman ang XM sa paniniwala nito na ang kawanggawa ay may malaking maidudulot pagdating sa kapakanan at seguridad ng mga bata. Ang corporate social responsibility ng XM ay sumasakop sa iba’t-ibang mga sektor, kung saan isa sa mga ito ay laging nangunguna: ang kapakanan ng mga bata. Patuloy kaming dedikado sa pangunahing layunin na tulungan ang mga batang nangangailangan, suportahan ang kanilang kalusugan, at tugunan ang responsibilidad sa lipunan para maiwasan ang [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.