Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa World Health Organization para Labanan ang COVID-19

Ipinaskil Marso 20, 2020 ng 10:56 AM GMT

Sa pagtatangkang mapuksa ang pandemic na sanhi ng coronavirus (COVID-19), nagbigay ng malaking donasyon ang XM sa World Health Organization (WHO) noong Marso 18. Ang coronavirus outbreak na nagsimula noong Disyembre ay mabilis na umabot sa hindi inaasahang bilang, kung saan nahawa na ang mahigit sa 200,000 katao sa mahigit na 160 bansa at teritoryo sa buong mundo pagdating ng Marso 17. Habang patuloy na nagtatrabaho ang mga mananaliksik ng medisina para makahanap at masubukan ang bakuna para sa COVID-19, [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa MAPFRE Panamerican University Community Center

Ipinaskil Marso 11, 2020 ng 11:25 AM GMT

Noong Marso 7 ngayong taon, nagsagawa na naman ang XM ng isang malaking inisyatibo sa corporate social responsibility, ngayon naman sa Mexico City, na may layuning makapagbigay ng donasyon sa MAPFRE Panamerican University Community Center. Ang nasabing kawanggawa ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa MAPFRE Foundation, na nakatuon sa magkakaibang aktibidad para mapabuti ang kalidad ng buhay, kalusugan at edukasyon ng mga nangangailangan. Dahil sentro ng mga kawanggawa ng XM ang pagtulong sa komunidad, layunin naming makatulong sa isang makabuluhang paraan [..]

post-image

Nakipagtulungan ang XM sa Aldeas Infantiles para sa Kapakanan ng mga Bata

Ipinaskil Enero 31, 2020 ng 8:23 AM GMT

Noong Disyembre 6, 2019, idinaos ng XM ang isa sa mga pinakamatagumpay na kawanggawa nito, na isinagawa naman sa kapital ng Peru, sa Lima, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lokal na non-profit na organisasyon na Aldeas Infantiles SOS. Nagsimula bilang inisyatibo para mapalapit sa lipunan ang kahalagahan ng kapakanan ng mga bata, edukasyon at karapatang-pantao mula sa maagang edad, ang mga miyembro ng aming pangkat sa Latin America ay nagpalipas ng araw sa Aldeas Infantiles SOS para makapagbigay ng donasyon [..]

post-image

Pagsisikap na Makatulong sa Wildfire sa Australia - Kailangan ng WWF ang Ating Tulong

Ipinaskil Enero 21, 2020 ng 1:38 PM GMT

Isang malaking pagsubok ang tumama sa Australia nitong nakaraang taon, kung saan ilang buwan ng nakakasalantang bushfire ang nagsanhi ng pinsala sa buong bansa. Sa pagsisikap na mapuksa ang sunog, nagbigay ang XM ng donasyon na A$16,200 sa World Wildlife Fund (WWF), na may layuning makalikom ng A$30 milyon para sa Australian Wildlife and Nature Recovery Fund. Para suportahan itong marangal na layunin ng WWF-Australia, ang kontribusyon ng kumpanya para labanan ang apoy ay isang pagkilos para magbigay-kaalaman at donasyon [..]

post-image

Para sa Kapakanan ng mga Bata - Kawanggawa ng XM sa Indonesia

Ipinaskil Disyembre 17, 2019 ng 9:30 AM GMT

Sa ikatlong pagkakataon, nagsagawa ang XM ng kawanggawa sa Indonesia para sa kapakanan ng mga kapus-palad na bata, para sa layuning maibsan ang malupit na kinalalagyan nila sa buhay. Ang kawanggawa ay idinaos sa Jakarta noong Disyembre 4, 2019, katuwang ng isa sa mga pinaka-dedikadong organisasyon ng kawanggawa sa Indonesia, ang Yayasan Sayap Ibu, isang non-profit na organisasyon na itinatag para sa mga kabataan at kanilang mga pamilya na nasa laylayan ng lipunan. Para sa milyon-milyong kabataan sa buong mundo, [..]

post-image

Pagtulong sa mga Batang Kapus-Palad - Kawanggawa ng XM sa Manila

Ipinaskil Disyembre 2, 2019 ng 8:53 AM GMT

Isa sa mga pangunahing bahagi ng kawanggawa ng XM ay ang pakikipag-ugnayan sa mga internasyonal na organisasyong tumutulong sa kapakanan ng mga batang nangangailangan. Ilang araw matapos ang pagbibigay namin ng donasyon sa isang organisasyon sa kapital ng Malaysia, nagsagawa naman kami ng kaparehong kawanggawa sa Manila ngayong Nobyembre, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Virlanie Foundation, isang non-profit na kasalukuyang kumukupkop at sumusuporta sa daan-daang batang lansangan sa Pilipinas. Ang mga dedikado naming miyembro na sinalubong ng mga kinatawan ng [..]

post-image

Nag-organisa ang XM ng Kawanggawa Katuwang ng NASOM sa Malaysia

Ipinaskil Nobyembre 28, 2019 ng 9:08 AM GMT

Walang kinikilalang hangganan ang kawanggawa, maging ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa mga taong naghihikahos dahil sa matinding kapansanan. Noong Nobyembre 21, nag-organisa ng kawanggawa ang mga dedikado naming kinatawan, katuwang ng NASOM (The National Autism Society of Malaysia) para sa layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga batang autistic. Tinatayang isa sa bawat 160 bata sa buong mundo ang dumadanas ng autism spectrum disorder, isang kapansanan na maaring magtakda ng malaking limitasyon para mamuhay nang nakapag-iisa. Sa pagtatangkang [..]

post-image

Tatlong Taong Kawanggawa ng XM sa Uganda

Ipinaskil Nobyembre 22, 2019 ng 12:42 PM GMT

Noong 2017, inumpisahan ng XM ang malawak na kawanggawa nito na may layuning makapagbigay ng donasyon at matulungan ang lokal na komunidad sa distrito ng Wakiso sa Uganda, sa pamamagitan ng mga mapagkawanggawang aktibidad. Sa pagsisikap na mabawasan ang paghihikahos ng mga kabataan at masuportahan ang kanilang mga pamilya, nakipagtulungan ang XM kay Father Antonios Mutyaba, isang lokal na pari na dedikadong hubugin ang hinaharap ng kanyang komunidad, kasama ng organisasyong Loving Hands. Sa loob ng maraming taon, ilang beses [..]

post-image

Nagbigay ang XM ng Donasyon sa Darul Insyirah

Ipinaskil Agosto 30, 2019 ng 7:42 AM GMT

Bilang parte ng patuloy na inisyatibo sa corporate social responsibility at sa pagtatangkang makatulong nang positibo sa buhay ng mga indibidwal at komunidad sa buong mundo, nagbigay ng donasyon ang XM sa Darul Insyirah, na isang daycare facility sa Malaysia. Para masuportahan ang Darul Insyirah na naka-base sa Bangi, pumunta ang dedikadong pangkat ng XM sa Selangor, Malaysia noong Agosto 9 para magbigay ng donasyon sa daycare center na may layuning matulungan ang mga nakatatandang mamamayan gamit ang edukasyon. Dahil [..]

post-image

Kawanggawa ng XM at YKAKI para Suportahan ang mga Batang may Kanser

Ipinaskil Agosto 5, 2019 ng 8:10 AM GMT

Noong Hulyo 17 ngayong taon, nag-organisa ang XM ng kawanggawa sa Indonesia sa pakikipagtulungan sa lokal na organisasyon na YKAKI. Tumulong kami sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon upang maibsan ang desperadong sitwasyon ng mga batang naghihikahos sa kanser. Ang mga dedikadong kinatawan ng aming kumpanya na aktibong sumasali sa misyon ng XM na bumisita sa magkakaibang bahagi ng mundo kung saan nangangailangan ng tulong ang lokal na komunidad, ay bumalik sa Indonesia ngayong Hulyo para magbigay ng donasyon sa [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.