Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Donasyon ng XM para sa Pagbubukas ng Unang RMHC sa Cyprus

Ipinaskil Pebrero 28, 2022 ng 12:26 PM GMT

Sa patuloy naming pagsisikap na makatulong sa pagbubukas ng kauna-unahang Ronald McDonald House Charities sa Nicosia, Cyprus, nagbigay ng donasyon ang XM nitong Pebrero dito sa non-profit na organisasyon. Sentro ng aming corporate social responsibility ang pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan sa panahon ng kagipitan. Dahil nananatili kaming tapat dito sa pangako namin, nakipagtulungan ang XM sa RMHC Cyprus at nagbigay ng donasyong pera para mapadali ang pagpapatayo ng bagong-bagong Ronald McDonald House. Ang bagong pasilidad ay may layuning patirahin [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang Fundraiser ng RMHC

Ipinaskil Pebrero 22, 2022 ng 2:03 PM GMT

Natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na makatulong sa pagtatayo ng pinakaunang pasilidad ng Ronald McDonald House Charities sa Nicosia, Cyprus, sa pamamagitan ng pakikilahok sa fundraiser ng Radisson Blu Larnaca International Marathon noong Nobyembre 21, 2021. Malaking bahagi sa corporate social responsibility ng XM ang pagtulong sa mga pamilya. Ang misyon ng Ronald McDonald House Charities na masigurong makakatira sa kalapit na tahanan nang libre ang pamilya ng mga naospital na bata ay isang marangal na layunin na handang tulungan [..]

post-image

Pinondohan ng XM ang mga bagong silid-aralan sa Uganda

Ipinaskil Enero 20, 2022 ng 1:17 PM GMT

Pinondohan kamakailan ng XM ang pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan sa Wakiso, Uganda. Ito ang pinakabago naming kontribusyon sa distrito magmula noong 2017. Ang kahirapan ay isang hadlang na pumipigil sa maraming kabataan na makatanggap ng edukasyon, na makatutulong dapat upang makawala sa malupit na kapalaran na idinudulot nito. Ang pagkakaroon ng magandang kapaligiran kung saan pwedeng mag-aral ay may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga kabataan, dahil makabubuti ito sa kanilang seguridad at potensyal na kabuhayan. Naniniwala kami na [..]

post-image

Nagbigay Tulong ang XM sa Organisasyon na Misr El Kheir

Ipinaskil Nobyembre 24, 2021 ng 2:17 PM GMT

Gusto naming ibalita na nagbigay kami ng donasyon sa non-profit na organisasyon na Misr El Kheir para suportahan ang kanilang pagsisikap na makapagdala ng malinis na inuming tubig sa mga liblib na lugar at lalawigan sa Egypt. Patuloy na problema ang hindi pagkakaroon ng malinis na tubig sa kanayunan ng Egypt, kung saan milyon-milyong tao ang wala pa ring ligtas na mapagkukunan nito. Ang kakulangan ng malinis na tubig ay nagreresulta sa mababang sanitasyon at pagkalat ng mga sakit, na [..]

post-image

Lumahok ang XM sa Fundraiser na para sa mga may Kanser

Ipinaskil Nobyembre 10, 2021 ng 9:27 AM GMT

Sa XM, malakas ang aming paniniwala na tumulong sa paglaban sa kanser. Kaya naman sumali kami sa kampanyang Tatakbo Kami Habang Buhay para makalikom ng pondo para sa Cyprus Association of Cancer Patients and Friends (PASYKAF). Ang organisasyong PASYKAF ay may higit dalawang dekadang karanasan sa pagpapabuti ng buhay ng mga taong naapektuhan ng kanser. Nakatuon ito hindi lamang sa pagbabago ng kaisipan tungkol sa kung paano mamuhay nang may kanser, ngunit pati din makapagbigay ng propesyonal na kalusugan, serbisyo [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Yayasan Sahabat Veteran

Ipinaskil Nobyembre 9, 2021 ng 11:36 AM GMT

Bilang paggunita sa ika-76 na Araw ng Kalayaan ng Indonesia noong Agosto, nakipagtulungan ang XM nitong Setyembre sa non-profit na organisasyon na Yayasan Sahabat Veteran. Gusto naming pasalamatan ang 406 na lumahok na nagbigay ng donasyon at naging dahilan para magtagumpay itong inisyatiba. Maliban sa ipinangako namin sa aming promosyon, nagbigay din kami ng donasyon sa Yayasan Sahabat Veteran. Sa bawat kliyenteng naging kawalipikado sa Lebel #1 nagbigay kami ng donasyon na $2, habang sa bawat kliyenteng nakaabot sa Lebel [..]

post-image

Sumali ang XM sa 'Let's do it! World' Campaign 2021

Ipinaskil Nobyembre 5, 2021 ng 9:54 AM GMT

Sa XM pinapahalagahan namin ang ating planeta, kaya naman masaya kaming tumulong sa Let’s Do It! Nicosia, ang unang bicommunal na paglilinis sa loob ng napapaderang lumang siyudad ng Nicosia, Cyprus. Sa araw na iyon, kasama ng XM ang mga organisasyong kumakatawan sa komunidad ng mga Greek Cypriot at Turkish Cypriot sa Nicosia: ang Home for Cooperation, CyprusInno, Unite Cyprus at ang NGO na Together Cyprus. Marami sa mga grupong ito ang kilala sa kanilang pagtulong sa mga proyektong nakakapagdulot [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa mga Refugee sa Cyprus

Ipinaskil Oktubre 13, 2021 ng 8:53 AM GMT

Kamakailan, binigyan ng XM ang mga bata sa Kofinou Refugee Centre sa Cyprus ng uniporme sa paaralan. Marami sa atin ang nababahala sa suliraning kinakaharap ng mga refugee, dahil napilitan ang mga inosenteng pamilya na lumisan ng kanilang tahanan dahil sa kadahilanang hindi nila ginusto. Ilan sa kanila ang lumikas papunta sa Kofinou Refugee Centre sa Cyprus. Pero bukod sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng tirahan at pagkain, kailangan din nilang makahanap ng panibagong layunin sa buhay at magsimulang bumangon [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa NGO na MIASA sa Malaysia

Ipinaskil Setyembre 22, 2021 ng 8:56 AM GMT

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng XM na tulungan ang mga taong nangangailangan sa buong mundo, nagbigay kami ng donasyon kamakailan sa Mental Illness Awareness & Support Association (MIASA) sa Malaysia. Ang organisasyong ito na naka-base sa Selangor ay nagbibigay ng suporta sa kapwa at mga tagapag-alaga, sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at inisyatiba sa pagbibigay ng suporta. Ang MIASA ay unang itinatag noong 2017 ni Puan Anita Abu Bakar. Nanguna ito sa paghubog ng kamalayan sa maayos na [..]

post-image

Donasyon ang XM para sa Pagsugpo ng Wildfire sa Greece

Ipinaskil Agosto 25, 2021 ng 1:59 PM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa misyon ng Red Cross Greece para matulungan ang mga tao at hayop na naapektuhan ng mga wildfire na naminsala sa ilang bahagi ng Greece nitong buwan ng Agosto. Libu-libong tao ang napilitang lumikas ng kanilang tahanan dahil sa higit 500 sunog na sumiklab sa bawat sulok ng bansa. Nakadagdag pa ang hamon ng pinakamatinding heatwave na naranasan sa loob ng ilang dekada at naging dahilan para kumalat nang mas mabilis ang apoy, habang sinisikap [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.