XM Nag-ambag sa Pagsasaayos ng Ospital sa Greece

Ipinaskil Oktubre 19, 2022 ng 10:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng donasyon kamakailan ang XM sa Tzaneio Hospital sa Piraeus, Greece, para suportahan ang pagsasaayos ng Laparoscopic Unit ng First Surgical Department.

Itatayo sa Tzaneio Hospital ang makabagong Center of Excellence in Laparoscopic and Bariatric Surgery. Gamit ang bagong pasilidad, magsasanay ang mga baguhang surgeon at estudyante ng Athens Medical School sa moderno at makabagong kagamitan kung saan makakapagturo ng kurso ang mga bumibisitang propesor at makapagsasagawa ng operasyon habang inoobserbahan at pinag-aaralan ito ng mga tagapagligtas sa susunod na henerasyon. Higit sa lahat, binibigyan nito ang mga pasyente ng mahuhusay na opsyon sa paggamot sa tulong ng mga na-upgrade na pasilidad na makikita sa ospital.

Gagamitin ang aming donasyon para bumili ng kagamitan sa klinika tulad ng mga wheelchair, istasyon ng mga nars, mga mesa sa tabi ng kama ng kliyente, kagamitan sa parmasya, at isang cardiograph.

Mapupunta rin ang aming donasyon sa pagbuo ng Digital Operating Room na makakapagbahagi ng napakalaking potensyal sa mga surgeon. Makakatulong ito na ipagpatuloy ang kanilang pagiging tumpak at ligtas sa trabaho, upang makamit ang matagumpay na resulta at pababain ang kumplikasyon ng pasyente. Ipagpapabuti rin nito ang pagsasanay ng mga espesyalistang surgeon at estudyante, na real-time na makakapag-obserba ng mga operasyon sa parehong auditorium at klinika gamit ang sabay na interaktibong telesurgery sa operating room.

Araw-araw, may nadidiskubre ang medikal na komunidad sa paglaban sa mga pinakakumplikadong sakit. Dahil ito sa pagsasanib-pwersa ng mga pinakamagagaling na isipan na nagbabahagi ng kanilang kaalaman at pananaliksik, na nakakapagpabago sa medisina at nagbibigay pag-asa sa mga naghihikahos. Sa XM, naniniwala kami na sentro ang inobasyon sa pagbuo ng mas malusog at mas masayang lipunan. Bahagi ng aming pag-ambag ang pag-i-invest sa husay sa medisina tulad ng pagsasaayos ng Tzaneio Hospital.

Mababasa mo ang tungkol sa mga espesyal na operasyon at medikal na serbisyo ng ospital sa kanilang website.