XM Kaakibat ng Isang Shelter ng Aso sa Cyprus

Ipinaskil Disyembre 14, 2022 ng 12:20 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Nobyembre, nagbigay kami ng donasyon sa Sirius Dog Sanctuary sa Cyprus para sa pambili ng pagkain ng mga tuta. Isa rin itong pagkakataon para sa mga boluntaryo na magpalipas ng araw sa shelter, makipaglaro sa mga aso, at tumulong sa pagpapakain at pagpapalakad sa kanila.

Ang Sirius Dog Sanctuary ay tahanan ng mahigit 170 asong kalye. Pinapatakbo ito ng mga boluntaryo nang walang tulong mula sa gobyerno, at umaasa lamang sila sa donasyon ng mga tagasuporta. Napakamahal magpakain at mag-alaga ng napakaraming aso, kasama ang mga tuta at mga may espesyal na pangangailangan, kaya karaniwang nangangalap ang shelter ng pakain sa pamamagitan ng social media.

Ang mga organisasyong nagliligtas ng mga hayop ay humaharap sa patuloy na laban upang matugunan ang pangangailangan ng mga inaalagaan nila. Araw-araw, may mga dinadalang abandonadong pusa at aso sa mga shelter sa Cyprus. Maliban sa panganib na dala ng gutom at sakit, karamihan sa kanila ay nangangailangan ng pagpapagamot at espesyal na pagkalinga, na kalimitang may kamahalan.

Ilang taon nang sponsor ang XM ng Sirius Dog Sanctuary. Misyon namin bilang tagasuporta na sagipin ang mga hayop mula sa lansangan hangga’t makakaya, ilayo sila sa kapahamakan, at alagaan ang mga naghihintay na maampon sa shelter.

Tulad ng Sirius Dog Sanctuary, naniniwala kami na may taong nakalaan para sa bawat isang hayop na nasa shelter. Pinag-iisipan mo bang mag-alaga ng aso? Pwede mong tingnan ang kanilang katalogo dito o alamin kung paano mag-donate sa shelter dito.