XM Sumusuporta sa Doctors Without Borders

Ipinaskil Pebrero 7, 2023 ng 11:40 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay kami ng donasyon kamakailan sa Médecins Sans Frontières (MSF) o mas kilala sa tawag na Doctors Without Borders, bilang bahagi ng aming Corporate Social Responsibility (CSR) na tulungan ang mga nangangailangan sa buong mundo.

Ito ang aming ika-48 at panghuling inisyatiba sa CSR noong 2022, at patuloy ang aming pagsuporta sa MSF.

Araw-araw tayong nakakarinig ng balita tungkol sa giyera, tunggalian, sakuna, at iba pang mga pangyayari na nagreresulta sa paghihikahos at pangangailangan ng agarang medikal na tulong. Minsan, nawawalan ang mga tao ng mahahalagang serbisyo na kadalasang binabalewala natin, tulad ng sanitation o mapagkukunan ng malinis na tubig. At habang magkahalong gulat at lungkot ang nararamdaman namin, agad na kumikilos ang MSF para sumaklolo.

Ang MSF ay isang pandaigdigang organisasyon na nagbibigay ng medikal na atensyon sa panahon ng krisis. Ang kanilang pagkilos ay ginagabayan ng etika sa medisina at prinsipyo ng pagiging independiyente, neutralidad, walang kinikilingan, at pananagutan. Isa itong pananaw na malapit sa misyon ng aming CSR – ang makagawa ng positibong epekto sa kalidad ng buhay ng mga kapus-palad sa buong mundo.

Ang MSF ay may mahigit 30,000 propesyonal sa kalusugan, logistics, at administratibo na nagtatrabaho araw-araw sa iba’t-ibang programa sa mahigit 60 bansa sa buong mundo.

Ang donasyon namin ay para sa MSF Greece na itinatag noong 1990. Mula noon, daan-daang miyembro na ang nakibahagi sa misyon sa mga bansang tulad ng Syria, Haiti, Palestine, Rwanda, Ethiopia, at Afghanistan. Sa Greece, ang pagsisikap ng MSF ay umaabot sa pagbibigay ng medikal na tulong sa mga refugee at migrante, pangangalaga sa kalusugan ng mga mahihirap, at pagtulong sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko.

Alamin ang tungkol sa MSF at magbigay ng donasyon dito.