XM Nagbigay-tulong sa mga Batang may Karamdaman

Ipinaskil Nobyembre 3, 2022 ng 11:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagpatuloy ng XM ang buwanang donasyon nito sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa bilang pagsuporta sa mga batang humaharap sa matitinding karamdaman.

Ang Reach for a Dream Foundation ay may marangal na misyon na pagandahin ang buhay ng mga batang may malubhang sakit at tulungan silang tuparin ang kanilang mga pangarap.

Buwan-buwan, nagbibigay kami ng kontribusyon sa inisyatiba sa pamamagitan ng pagsuporta sa dalawang bata na pinili ng organisasyon. Nagpapalipas kami ng araw na ginagawa ang mga paborito nilang aktibidad at masasayang sorpresa para maglagay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Ginagawa ito ng aming mga boluntaryo para ipaalala sa mga bata na may nagmamahal sa kanila, at upang magkaroon sila ng lakas na abutin ang kanilang mga pangarap anuman ang mangyari.

Ngayong buwan, tinupad namin ang pangarap ng dalawang batang babae – si Reniloe, at isa pang dalagita na ayaw magpakilala. Pinuno namin ang araw nila ng masasayang alaala at kasiyahan, at hinikayat namin sila na ‘wag tumigil sa pagkakaroon ng malalaking pangarap.

Reniloe

Si Reniloe ay matalino at masayahing batang babae na namumuhay nang may cystic fibrosis. Ang kanyang karamdaman ang naging dahilan kung bakit karaniwan siyang nasa ospital, at nangangarap na lamang siyang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Mahirap na ang mga pisikal na aktibidad para sa kanya, pero alam namin na mahilig siyang maglaro. Para sorpresahin siya, dinala namin siya sa isang kalapit na arcade.

Abot-langit ang ngiti ni Reniloe dahil dati na niyang gustong pumunta sa arcade! Kahit na kailangan niyang magdala ng tangke ng oxygen saan man siya pumunta, hindi ito naging hadlang kay Reniloe noong nasa arcade siya.

Mahilig tumulong sa iba si Reniloe at nangangarap siyang maging doktor balang araw. Para palapitin siya sa kanyang pangarap, nagbigay kami ng laptop para sa mga gawaing pang-eskwela, at siyempre, para sa kanyang mga laro. Noong nalaman niya na sa kanya na ang laptop, labis-labis ang tuwa ni Reniloe, at ilang beses siyang nagpasalamat sa aming mga boluntaryo.

Anonymous

Ang pangalawang bata, na ayaw magpakilala, ay isang mabait at palakaibigan na dalagita, na humaharap sa pagsubok ng kanser. Pagkatapos siyang ma-diagnose nito, marami na siyang nakaligtaang klase at gawaing pang-eskwela, habang sinusubukang umangkop sa kanyang pagpapagamot at pagsisikap na manatiling malakas sa kabila nito.

Ang kanyang katapangan ang nagbigay-daan para makapasok ulit siya sa paaralan at nasasabik na siyang matuto at makita ulit ang kanyang mga kaibigan araw-araw.

Pinili ng aming mga boluntaryo ang Polkadraai strawberry farm dahil matagal na niyang gustong pumitas ng mga strawberry. Tuwang-tuwa siya dahil itinuring siya bilang VIP sa farm, kung saan nakasakay pa siya ng traktor sa espesyal na araw na iyon!

Pagkatapos mamitas ng strawberry at kapana-panabik na pagsakay sa traktor, sinorpresa namin siya ng laptop para makasabay siya sa mga gawain sa paaralan. Natupad na ang matagal niyang hinihiling kaya patuloy ang kanyang pasasalamat, pati na ang kanyang pamilya, sa XM at mga boluntaryo nito.

Ang aming buwanang donasyon sa Reach for a Dream Foundation ay parte ng mas malawak naming layunin na tulungan ang mga nangangailangang komunidad sa buong mundo. Sa pamamagitan ng aming mga inisyatiba sa pagtulong sa lipunan, patuloy naming naibibigay pabalik ang nararapat na pagsuporta sa lipunan.

Alamin sa kanilang website ang kamangha-manghang pagsisikap ng organisasyon para bigyang inspirasyon ang mga batang namumuhay nang may malulubhang karamdaman, at tulungan ang iba pang bata na magkaroon ng malalaking pangarap.