Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Ang mga serye ng seminar na sinimulan ng XM sa Pilipinas ay magpapatuloy pa sa Davao sa September 15 at sa Iloilo sa September 29, kung saan nasasabik na kaming salubungin ang mga online investors na nais makatanggap ng propesyonal na gabay tungkol sa paggamit ng technical analysis sa pag-trade ng forex at iba pang financial instruments.
Ang tagapagsalita na si Jonathan Lou Reyes, na tinatangkilik ng aming mga kliyenteng nakapunta na sa alinmang XM seminar sa Pilipinas, ay magtuturo ng dalawang bagong seminar tungkol sa paggamit ng technical indicators at candlestick patterns, na parehong dapat maintindihan para matukoy ang mga malalakas at mahihinang market trends.
Sa bawat lokasyon, tuturuan ni Jonathan Lou Reyes ang mga bisita kung paano suriin ang lakas ng trend sa tulong ng tamang paggamit ng technical analysis tools, kabilang na ang Avramis River Indicator, na maaaring gamitin para madaling matukoy ang linaw, lakas at lawak ng market trends para sa forex at iba pang financial instruments. >
Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang mga bisita sa Davao at Iloilo para makipag-ugnayang muli sa aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na pupunta sa seminar sa alinmang siyudad.
Para sa detalyadong paksa ng seminar at para sa maagang pag-rehistro sa lugar at petsa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.