Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong ika-24 ng September, sa kapital ng Malaysia, Kuala Lumpur, ang pinakabagong destinasyon ng XM para sa libreng seminar tungkol sa mga teknik at istratehiya sa online investing.
Ang forex instruktor na si Marios Pashardes, kasabay ng mga miyembro ng XM staff, ay bumalik sa kapital ng Malaysia para magsagawa na naman ng seminar tungkol sa investing. Ang event ay isinagawa sa JW Marriott Hotel Kuala Lumpur at dumalo dito ang napakaraming mga trader na nais matuto tungkol sa trading breakouts, pag-analisa ng mga chart at teknik para makilala ang mga trend reversals.
Lahat ng mga kliyente ng XM na dumalo sa seminar ay ipinakilala sa isang serye ng mga trading tools na magagamit para magsagawa ng mas mabuting desisyon sa pag-trade. Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng kanyang presentasyon, ipinakilala ni Marios Pashardes sa mga dumalo ang iba’t-ibang mga instrument sa online trading sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tunay na halimbawa. Higit pa dito, ang ilan sa mga proprietary tools ng Tradepedia ay itinuro din sa mga dumalo, na mabisa sa pagsasagawa ng desisyon sa pag-trade gamit ang mabisang risk management.
Sa ibaba ipinapakita ang ilan sa mga litratong kinuha noong event.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.