Kawanggawa ng XM para sa Kapakanan ng mga Bata

Ipinaskil Marso 20, 2018 ng 8:12 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong March 7 ngayong taon, naging tapat na naman ang XM sa paniniwala nito na ang kawanggawa ay may malaking maidudulot pagdating sa kapakanan at seguridad ng mga bata.

Ang corporate social responsibility ng XM ay sumasakop sa iba’t-ibang mga sektor, kung saan isa sa mga ito ay laging nangunguna: ang kapakanan ng mga bata. Patuloy kaming dedikado sa pangunahing layunin na tulungan ang mga batang nangangailangan, suportahan ang kanilang kalusugan, at tugunan ang responsibilidad sa lipunan para maiwasan ang mga bata na lumalaki nang may kapansanang pang-lipunan o pangkalusugan.

Ang pinakabagong kawanggawa na ito ay hinimok ng aming pananalig na ang bawat pagtulong sa lipunan ay nakakatulong sa kabutihan ng lahat. Kaya noong March 7, ini-sponsor ng XM ang konsyerto na Our Own Road sa Limassol, Cyprus, na nagtampok sa ilang mga Greek at Greek Cypriot na artista mula sa industriya ng musika. Ang layunin ng event ay para ibigay ang pera na kinolekta mula sa konsyerto sa Center for Preventive Pediatrics, isang non-profit organization na naka-base sa Limassol at eksperto sa pagtuklas at pag-iwas sa mga prenatal at neonatal na karamdaman.

Naniniwala kami na ang pangpinansyal na suporta na ibinigay ng XM ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga bata na ginagamot dito, at para hikayatin ang marami pang mga indibidwal at institusyon para tumulong sa kapakanan ng mga bata.