Pagsisikap na Makatulong sa Wildfire sa Australia – Kailangan ng WWF ang Ating Tulong

Ipinaskil Enero 21, 2020 ng 1:38 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking pagsubok ang tumama sa Australia nitong nakaraang taon, kung saan ilang buwan ng nakakasalantang bushfire ang nagsanhi ng pinsala sa buong bansa. Sa pagsisikap na mapuksa ang sunog, nagbigay ang XM ng donasyon na A$16,200 sa World Wildlife Fund (WWF), na may layuning makalikom ng A$30 milyon para sa Australian Wildlife and Nature Recovery Fund.

Para suportahan itong marangal na layunin ng WWF-Australia, ang kontribusyon ng kumpanya para labanan ang apoy ay isang pagkilos para magbigay-kaalaman at donasyon upang mabalik ang mga apektadong tirahan ng mga hayop at mamamayan, pati na maibsan ang napakalaking kawalan sa kalikasan.

Iniimbitahan namin ang aming mga kliyente at partner na tumulong din, kung kakayanin.

Kung gusto mong tumulong, mangyaring pumunta sa website ng World Wildlife Fund (WWF) at magbigay ng donasyon. -> Pumunta sa WWF at Magbigay ng Donasyon Dito

Ang nakakapaminsalang mga bushfire na kumakalat sa buong Australia magmula Hunyo 2019 ay nagdulot na ng napakalaking pagkasira pagdating ng Setyembre, kung saan hindi mapigilan ang sunog na umabot na ng ilang buwan at nagpapatuloy pa hanggang ngayong 2020. Dahil ito ang pinakanakakasalanta at pinakamahabang panahon ng bushfire sa kasaysayan ng Australia na pinalala pa ng tumitinding tagtuyot, ang mga wildfire ay nagdulot na ng napakalaking pagkasira sa Queensland, Victoria at New South Wales. Ang hindi inaasahang pinsala ay nakasira na ng tinatayang mahigit sa 10 milyong hektarya ng kagubatan at parke sa kontinente, sumira ng libu-libong tirahan, at pumatay ng mahigit sa isang bilyong hayop, kabilang na ang mga endangered species.