Ipinagdiriwang ng XM ang Dalawang Parangal mula sa 2019 World Finance Awards

Ipinaskil Hulyo 1, 2019 ng 11:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ikatlong magkakasunod na taon mula 2017, kinilala na naman ng World Finance ang XM para sa mahabaang reputasyon nito sa kahusayan sa pinansyal na industriya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang prestihiyosong parangal.

Sa 2019 World Finance Forex Awards, natanggap ng XM ang dalawang malaking parangal: sa ikatlong taon pinarangalan kami bilang Pinakamahusay na FX Broker sa Europa, at sa unang pagkakataon ipinagmamalaki naming maparangalan ng titulo na Pinakamahusay na FX Broker sa Australasia.

Mataas ang pagtingin namin sa parehong papuri at ginugunita namin ang dobleng parangal bilang tanda ng malakas na pangunguna ng XM sa pinansyal na industriya. Bilang matatag na kumpanya sa pinansyal na serbisyo, naninindigan kami sa pagseserbisyo sa mga kliyente nang may integridad sa lahat ng aspeto, sa pamamagitan ng pangangalaga sa aming saysay at pananatiling tapat sa kung ano ang pinakamahalaga para sa amin: ang kalidad.

Ang pagkilala ng World Finance sa pamamagitan nitong dalawang malaking parangal ay isang tunay na sagisag sa patuloy na pagsisikap ng XM upang manguna sa pagtugon sa pangangailangan at pinakamahusay na interes ng mga kliyente mula Europa hanggang Australia.

Tungkol sa World Finance

Ang World Finance ay isang magasin na naka-base sa UK, na inilalathala at makikita online. Nagbibigay ito ng mga ulat at pag-analisa sa pinansyal na industriya, internasyonal na negosyo at pandaigdigang ekonomiya. Mula 2007, ang mga hurado ng taunang World Finance Awards ang pumipili sa mga nanalo mula sa mga nominado na pinagbobotohan ng mga mambabasa ng magasin. Ang mga mananalo ay pinipili ayon sa iba’t-ibang pamantayan, kabilang na ang serbisyo na may pinakamataas na kalidad, makabagong idea at pagiging pamantayan sa industriya kung saan sila nagbibigay-serbisyo.