Ipinagdiwang ng XM ang ika-5 Anibersaryo nito sa Engrandeng Gala sa Bangkok

Ipinaskil Oktubre 22, 2019 ng 7:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Tulad ng nakagawian, ginugunita ng XM ang mga mahahalagang tagumpay ng kumpanya katuwang ng mga kliyente, na kasama naming bumuo ng matibay na samahan sa loob ng maraming taon. Ang pinakabago sa mga pagdiriwang na ito ay idinaos sa kapital ng Thailand noong Oktubre 5.

Sa napaka-espesyal na okasyong ito, natutuwa kaming makasalamuha ang mga kliyente at partner sa taunang engrandeng gala ng XM sa Bangkok, para ipagdiwang ang ikalimang sunud-sunod na taon ng aming kumpanya sa Thailand. Ang pinagdausan ng handaan na Centara Grand & Bangkok Convention Centre at Centralworld ay sumalubong sa napakaraming bilang ng mga bisita na natutuwa kaming makasalamuha.

Ang layunin na magkaroon ng mahabang relasyon sa mga kliyente ay ang tanging hinahangad ng XM mula simula – at kasing halaga din ito ng pagdiriwang ng mga anibersaryo kasama ng mga kliyente. Ang engrandeng gala sa Bangkok ay isinagawa nang isinasaalang-alang ang hangaring ito.

Ang marangyang gala ay isinagawa sa isang kapaligiran na angkop para buhayin ang diwa ng mga bisita, na sinabayan ng mga kapana-panabik na pagtatanghal ng iba’t-ibang kilalang contemporary artists mula Thailand. Higit sa lahat, ang paggunita ng ika-5 anibersaryo ng XM kasabay ng mga kliyente ang naging dahilan kung bakit hindi malilimutan ang gabing ito.

Bilang tagapag-organisa ng gala, gusto naming ipabatid ang taos-pusong pasasalamat sa bawat bisita na dumalo sa gala at nakibahagi ng pambihirang sandali kasama namin.