Ginunita ng XM ang ika-3 Anniversary Gala sa Bangkok

Ipinaskil Disyembre 5, 2017 ng 12:19 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang ika-2 ng December 2017 ay napaka-espesyal para sa XM: ginunita namin ang ikatlong magkakasunod na taon ng aming kumpanya sa Thailand sa pamamagitan ng engrandeng gala na isinagawa sa Bangkok.

Sinalubong ng mga kinatawan ng XM ang mga dumalo sa gala sa Shangri-La Hotel, Bangkok, kung saan nagkaroon ng gabi na puno ng kasiyahan, masarap na hapunan, at higit sa lahat ang paggunita ng pagkakaibigan.

Nitong mga nakaraang taon, hindi lang namin ipinagpatuloy ang kalidad ng serbisyo para sa mga kliyente at partners sa Thailand, ngunit pinalawak din namin ang aming mga serbisyo para tugunan ang kanilang mga pangangailangan sa online investment. Ang aming dedikasyon sa mga kliyente, kabilang ang kanilang katapatan sa XM, ang tumulong sa pagpapatibay ng aming ugnayan na siyang nagbigay sa gala ng ere ng respeto at kasiyahan.

Ang gala ay isa na namang okasyon para makipag-ugnayan muli sa aming mga kliyente at gunitain ang ikatlong anibersaryo ng XM sa Thailand. Kabilang ang serye ng mga live na performance para malibang ang mga bisita, nagbigay din ang XM Lucky Draw ng kasabikan sa gabi, kung saan nagbigay ito ng 15 engrandeng premyo sa mga maswerteng nanalo na ini-raffle sa mismong event. Nais namin sila muling batiin sa kanilang mga napanalunan.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Unang Premyo: Mercedes CLA (2017), o 2,000,000 THB na cash 19061161
Premyo 2: $10,000 17137787
Premyo 3: $5,000 14045171
Premyo 4: Gold Gift Card na nagkakahalagang $3,000 mula sa Chin Hua Heng Goldsmith 21118374
Premyo 5: 55’’ Class Q8C Curved QLED 4K 21010020
Premyo 6: Phantom Pro Drone 31137229
Premyo 7: MacBook Pro 31135927
Premyo 8: D7500 Digital Nikon Camera 3159439
Premyo 9: Samsung Galaxy Note 8 19069550
Premyo 10: Samsung Galaxy Note 8 24071879
Premyo 11: iPhone 8 19003036
Premyo 12: iPhone 8 17011590
Premyo 13: Samsung S3 Frontier Smart Watch 3090079
Premyo 14: Apple Watch 14083402
Premyo 15: Samsung Gear 360 C2000 camera 31131717

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng aming mga kliyente at partner na dumalo sa XM gala sa Bangkok, at nais naming makabalik sa Thailand sa lalong madaling panahon.