Buwanang Update ng XM Budapest Office – July

Ipinaskil Hulyo 28, 2014 ng 11:12 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang July ay naging maaksyong buwan para sa XM team sa Budapest. Ang ika- 6 ng July ang nagmarka ng opisyal na pagbubukas ng aming bagong opisina sa Budapest at ang okasyon ay binigyan ng isang makasaysayang pagdiriwang; bagay na bagay para sa isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng aming korporasyon.

Sa buong buwan, may araw-araw na live training session na ginawa mula Monday hanggang Friday. Bawat sesyon ay nakatuon sa iba’t ibang paksa at mayroon presentasyon kasunod ng demo trading na may gabay upang ang mga kalahok ay magamit ang kanilang mga natutnan.

Mayroon ding lingguhang seminar tungkol sa “Introduksyon sa Forex Trading” na ginawa kada Saturday para sa mga lokal na investor na nais sumali sa mundo ng forex.

Lahat ng serbisyong edukasyonal ay ipinresenta ng aming mga ekspertong instruktor na sina Szoboszlai Attila at Sándor Zsolt. Parehong certified ng nangungunang internasyonal na institusyon ng Tradepedia, at sila ay lubos na ginagalang ng mga trader sa buong Hungary.

Ang mga live training session at mga seminar ay patuloy na umaani ng mataas na demand. Dahil dito, aming maipapayo na ang lahat ng gustong sumali sa aming mga serbisyong edukasyonal sa hinaharap ay magreserba na ng puwesto upang maiwasan ang pagkadismaya.

Mag-reserba na ng iyong upuan para sa mga parating na seminar at pang-araw-araw na live training session , dito.

1

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21