Libreng Edukasyon mula XM para sa mga Trader sa Peru

Ipinaskil Hulyo 19, 2018 ng 12:40 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ianunsyo na ang serye ng mga CFD trading seminar na sinimulan namin sa Timog Amerika nitong tag-init ay pupunta naman sa susunod nitong destinasyon sa September 15: sa Lima, Peru.

Ang mahabang serye ng mga seminar ng XM ay magpapatuloy sa iba pang mga bansa, kung saan magbibigay ito ng propesyonal na edukasyon sa online investors na handang matuto pa ng mga pamamaraan sa pag-trade ng forex at CFD. Dahil nakakagawa ng malaking pagkakaiba ang edukasyon sa kung paano nagti-trade ang mga trader at kung ano ang pamamaraan na kanilang ginagamit, ang XM seminar na gaganapin sa kapital ng Peru ay may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade at mas malalim na kaalaman sa mga technical analysis tools na ginagamit.

Nasasabik nang salubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya, kasama ng tagapagsalita na si Jarek Duque, ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa Country Club Lima Hotel. Dito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga bisita na makapunta sa seminar na pinamagatang CFD Trading na may Moving Average Ribbon.

Hindi lamang tatalakayin ni Jarek Duque ang mga mahahalagang detalye ng global CFD markets, ngunit maglalaan din siya ng panahon sa pagpapaliwanag kung aling mga instrument ang maaaring i-trade bilang Contracts for Difference sa MT5 platform ng XM at kung anong mga technical analysis tools ang maaaring gamitin para tukuyin ang pabago-bagong trends sa market. May espesyal na tuon ang ibibigay sa paggamit ng Moving Averages at kung paano natutulungan ng Moving Average Ribbon technique ang traders para malaman ang price action at tukuyin ang trades kung saan maaari silang kumita.

Kung nais mong magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar sa Lima at mag-reserba na ng puwesto, mangyaring mag-click dito.