Magtuturo ang XM ng Forex Trading sa Latin America

Ipinaskil Agosto 30, 2018 ng 7:36 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Simula October 20, bibisita ang XM sa iba pang bansa sa Latin America para makapagbigay ng propesyonal na edukasyon sa forex para sa mga online investors sa Costa Rica, Colombia, Argentina at Chile.

Ang mga seminar ay tutuon sa mga paksang mapapakinabangan tulad ng mga pamamaraan sa technical analysis na ginagamit kapag nagti-trade ng forex o iba pang financial instruments. Isasagawa ang seminar sa mga sumusunod na siyudad: San José, Cali, Buenos Aires at Santiago.

Sa bawat lokasyon ng seminar, tutuon muna ang propesyonal na tagapagsalita na si Jarek Duque sa mga pinakamahusay na pamamaraan sa swing trading. Pagkatapos, magbibigay siya ng espesyal na atensyon sa paggamit ng Fibonacci, kasabay ng mga trading tools na inimbento ng Tradepedia gaya ng Avramis Swing Indicator at ng Avramis Trend Reversal Indicator.

Para sa lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM na nais matuto ng swing trading mula sa mga propesyonal, hindi lamang ipapaliwanag ni Jarek Duque ang mga pangunahing konsepto nito, ngunit tatalakayin din niya ang mga mas kumplikadong detalye sa paggamit ng technical analysis sa online trading.

Para sa karagdagang detalye tungkol at para makapag-rehistro na sa libreng seminar sa siyudad na iyong napili, mangyaring mag-click dito.