Ang XM Magbabalik sa Kuala Lumpur nang may Libreng Seminar

Ipinaskil Agosto 1, 2016 ng 7:36 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa lahat ng kasalukuyan at bago naming mga kliyente na nais dumalo sa libreng XM seminars sa Malaysia, ang nalalapit na event ay tiyak na interesante. Babalik ang XM sa Kuala Lumpur sa ika-24 ng September na may bagong seminar na pinamagatang How to Trade with the Avramis Breakouts and Reversals.

Inorganisa sa JW Marriott Hotel sa Kuala Lumpur, may libreng rehistrasyon ang seminar sa mga kliyente ng XM at malawak na paksa na may kinalaman sa online trading: pagkakaintindi ng breakouts at trend reversals, kabilang na ang mga teknik para gumamit ng mga trend forecasting indicators.

Ang sertipikadong forex instruktor na si Marios Pashardes ay tutulong sa mga dadalo ng seminar na magkaroon ng bagong kaalaman sa technical analysis, sa pagpili ng tamang oras para mag-enter at mag-exit ng trades, sa pagpili ng pinakamabisang indicators, at higit sa lahat kung paano gamitin ang breakout price movements at trend reversals.

Ang pangunahing pakay ng seminar ay para matulungan ang mga dadalo na matuto ng praktikal na kagamitan ng mga paksang tinalakay. Para makamit ito, ipapakita ni Marios Pashardes ang paggamit ng iba’t-ibang teknik sa pag-trade gamit ang tunay na mga halimbawa. Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng event, magkakaroon din ang mga dadalo ng pagkakataong maging pamilyar sa paggamit ng dalawang napakabisang trading tools, na Avramis Swing Indicator at Avramis Risk Management Indicator.

Nais na naming makita ang aming mga kliyente sa Kuala Lumpur. Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa nalalapit na seminar at para makapag-rehistro na.