Pinarangalan ang XM Bilang Pinakamahusay na FX Service Provider 2019 ng City of London Wealth Management Awards

Ipinaskil Marso 29, 2019 ng 12:44 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki naming ibalita na ang XM ay pinarangalan bilang Pinakamahusay na FX Service Provider 2019 ng City of London Wealth Management Awards (COLWMA), kung saan ipinagkaloob ang parangal sa The Guildhall, sa lungsod ng London, noong Marso 15.

Nitong mga nakaraang taon, nakatanggap na ang XM ng iba’t-ibang mga gantimpala at parangal bilang pagkilala sa mahusay na kalidad ng serbisyo na ibinibigay nito sa mga kliyente mula sa magkakaibang panig ng mundo. Ang bawat prestihiyosong pagkilala ay nagpapatibay sa aming paniniwala sa kahalagahan ng pagpapanatili at patuloy na pagpapabuti sa pamantayan ng serbisyo, para matugunan ang pangangailangan ng bawat investor na pumipiling mag-trade katuwang ng XM.

Ang City of London Wealth Management Awards, na suportado ng London Stock Exchange, ay may layuning kilalanin at itaguyod ang mga kumpanya at indibidwal na nangunguna sa pagbibigay ng kalidad na paglilingkod sa sektor ng pinansyal na serbisyo. Ang mga kumpanya na nanalo ng parangal ay tinutukoy sa pamamagitan ng online na pagboto ng publiko, kaya naman sumasalamin ito sa kanilang indibidwal, at walang pinapanigang kagustuhan para sa mga nominado.