Dumalo ang XM sa World of Trading Expo sa Ikatlong Pagkakataon

Ipinaskil Disyembre 4, 2018 ng 1:41 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ikatlong pagkakataon na, ipinagmamalaki ng XM na makilahok sa taunang pangpinansyal na expo na World of Trading sa Frankfurt, Germany, na isinagawa noong ika-23 at ika-24 ngayong Nobyembre.

Ang dalawang araw na kaganapan, na isinagawa sa Forum Messe Frankfurt, at dinaluhan ng magkakaibang institusyong pangpinansyal at mga bangko mula sa Europa at iba pang mga bansa, ay naghikayat sa daan-daang indibidwal na bisita na interesadong malaman ang pinakabagong nangyayari sa mundo ng pag-trade online, at malaman ang mga bagong alok ng industriya.

Bilang isa sa mga pinaka-inaabangang pangpinansyal na expo, ang World of Trading ay isang mahusay na oportunidad para sa mga lumahok sa expo na mapakinabangan ang direktang pakikipag-ugnayan, pagpapalitan ng ideya, at higit sa lahat, ang personal na pagkilala sa mga kasalukuyan at prospektibong kliyente.

Dumalo ang XM sa pangpinansyal na expo para sa pangunahing layunin na personal na makipagpalitan ng ideya sa mga bisita, pati na maipakita ang mga serbisyo ng kumpanya sa mga gustong mag-trade sa XM. Ang mga kinatawan ng aming kumpanya, na pumunta sa ngalan ng XM, ay natutuwa ding makipag-ugnayan sa mga bumisita sa opisyal na XM booth, para ipakilala ang hanay ng mga produktong idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga kliyenteng nagsasalita ng German. Mula sa mga kakalabas pa lang na mga indibidwal na stocks galing Germany, hanggang sa serye ng mga intensibong webinar tungkol sa pag-trade ng forex at stocks, natutuwa kaming ipaalam ang malawak na hanay ng aming mga produkto sa mga bumisita.

Nais naming pasalamatan lahat ng aming mga nakilala dahil sa kanilang interes sa XM.