Pupunta ang XM sa The Forex Day 2019 sa Madrid

Ipinaskil Mayo 8, 2019 ng 7:25 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ikatlong magkakasunod na taon mula 2017, lalahok ang XM ngayong Hunyo 8 sa pinakamalaking internasyonal at pinansyal na expo sa kabisera ng Espanya, ang The Forex Day.

Gaganapin sa ikapitong pagkakataon at idadaos sa LASEDE, Colegio de Arquitectos de Madrid, ang The Forex Day ay ang nangungunang pinansyal na expo sa Espanya. Bilang pinakamalaking internasyonal na expo sa pag-trade, ang The Forex Day ay magtitipon ng napakaraming kumpanya at indibidwal na nagti-trade online. May layunin itong makapagbigay-daan sa iisang lugar kung saan maaring makapunta sa mga pagpupulong na may kinalaman sa pag-i-invest online, at malaman ang mga pinakabagong pangyayari sa pandaigdigang pinansyal na market.

Ang XM ay isa sa mga pangunahing exhibitor ng The Forex Day, at nasasabik na kaming salubungin ang mga bisita sa aming opisyal na booth blg. FX3-FX4. Bukod sa pagkakataong makilala sa personal ang mga kinatawan ng XM at mapakilala sa mga bisita ang hanay ng mga serbisyo na inaalok namin, makakapagbigay din kami ng apat na maiikling seminar na tatalakayin ng technical analyst na si Rubén López García sa XM booth sa pagitan ng 10:30 – 17:45. Ang apat na magkakaibang paksa ay magpapaliwanag sa mga mahahalagang aspeto sa pag-i-invest online, mula sa pinakasimple hanggang sa mas kumplikadong pamamaraan at istratehiya sa pag-trade.

Magbasa pa tungkol sa nalalapit na expo at kilalanin sa personal ang XM sa Madrid.