Pupunta ang XM sa Salon de l’Analyse Technique na isang Pinansyal na Expo sa Paris

Ipinaskil Marso 5, 2019 ng 9:44 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming imbitahan ang mga kasalukuyan at prospektibong kliyente ng XM para kilalanin kami nang personal sa Salon de l’Analyse Technique, isang pinansyal na expo sa Paris sa gaganapin sa ika-5 ng Abril, at itinuturing na isa sa mga pinakasikat na trade fair sa Europa sa loob ng maraming taon.

Ito ang unang pagkakataon ng XM na pumunta sa Salon de l’Analyse Technique, at katuwang ng magkakaibang kumpanya mula sa industriya ng pananalapi at pagbabangko, makikita kami dito para makipag-ugnayang muli sa mga kasalukuyang kliyente at mapakilala ang serbisyo ng aming kumpanya sa mga bisita.

Ang malaking madla na taun-taong sinasalubong ng Salon de l’Analyse Technique para sa isang araw na kaganapan ay mabibigyan ng oportunidad para makilala nang personal ang mga kinatawan ng XM. Dito, matututunan nila ang aming mga produkto, partikular na ang mga idinisenyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pranses na nag-i-invest online.

Para sa mga may tunay na interes sa pagbabago sa pinansyal na mundo at sa mga gustong makipag-ugnayan sa mga nangungunang forex broker sa industriya gaya ng XM, pumunta na sa Salon de l’Analyse Technique.

Magbasa pa ng detalye tungkol dito at kilalanin kami sa XM booth blg. C2 sa Salon de l’Analyse Technique itong Abril 5.