Pupunta ang XM sa Invest Cuffs 2019 sa Krakow

Ipinaskil Pebrero 21, 2019 ng 10:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Tulad ng mga nakaraang taon, sa 2019 magpapatuloy ang XM sa paglahok sa mga expo sa pananalapi at pag-invest sa Europa at iba pang mga bansa, para personal na makilala ang mga kasalukuyan at potensyal na nag-iinvest online.

Sa Marso 22 at 23, pupunta ang mga kinatawan ng XM sa isa sa pinakamalaking expo sa pag-trade sa Gitna at Silangang Europa, ang Invest Cuffs 2019. Isa itong kilalang pagpupulong na isasagawa sa pangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Poland, ang Krakow.

Gaganapin sa ICE Krakow Congress Centre, ang Invest Cuffs 2019 ay isa sa mga expo na hindi dapat palampasin, dahil makikita dito ang mga pinakamalalaking manlalaro sa pinansyal na industriya, kabilang ang mga institusyonal at indibidwal na kliyente.

Para personal na ipabatid ang halaga ng aming kumpanya sa mga bisita, at para personal na maipakita ang mga produkto ng XM sa madla, lalahok kami sa Invest Cuffs 2019 na may layuning maabot lahat ng mga interesadong malaman ang aming mga serbisyo.

Personal kaming kilalanin sa opisyal na XM booth blg. 19 sa Invest Cuffs 2019 sa Krakow. Nasasabik na kaming makita ka doon.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye, mag-click dito.