Lalahok ang XM sa Cairo Investment Expo ngayong October

Ipinaskil Setyembre 20, 2018 ng 6:57 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa October 22 isasagawa ang isa sa mga pinakamalalaking pangpinansyal na expo sa Egypt, ang Cairo Investment Expo, at ipinagmamalaki ng XM ang pagiging Diamond Sponsor nito.

Ang tanyag na Cairo Investment Expo ay gaganapin sa City Star Intercontinental Cairo Hotel sa October 22-23, 2018, at nagsisilbi itong pangpinansyal na sentro para sa mga kumpanya ng forex at commodity exchange mula sa Egypt at iba pang mga bansa. Dadaluhan ito ng mga bisita na interesadong magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa mga serbisyo at produkto ng mga online investment providers.

Bilang Diamond Sponsor ng Cairo Investment Expo, dadalo ang XM bilang isa sa mga pangunahing pangpinansyal na kumpanya na naging matatag na sa Egypt nitong mga nakaraang taon. Sa dalawang araw ng event, sasalubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga investors na gustong kilalanin ang XM sa opisyal na exhibition booth blg. A12-13-14-15. Nasasabik na din kaming makipag-ugnayang muli sa marami sa mga kasalukuyang kliyente na bibisita.

Nais din naming ipaalam sa aming mga kasalukuyan at prospektibong kliyente na bago isagawa ang pangpinansyal na expo, magkakaroon ang XM ng eksklusibong forex trading seminar sa Hilton Ramses Hotel sa October 20, na papamunuan ni Habib Akiki tungkol sa paksang Ang Avramis River at Reversal Patterns.

Para sa lahat ng mga gustong pumunta sa edukasyonal na seminar at matuto tungkol sa kahalagahan at paggamit ng technical analysis sa online investing, libre ang rehistrasyon sa seminar na makakapagbigay ng maraming mahahalagang impormasyon. Para sa karagdagang detalye at upang makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.

Magbasa pa tungkol sa Cairo Investment Expo at personal kaming kilalanin sa Cairo sa October 22-23.