Dadalo ang XM sa ITForum Rimini 2019 ngayong Hunyo

Ipinaskil Mayo 13, 2019 ng 8:27 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa Hunyo 12, idadaos sa loob ng dalawang araw ang isa sa pinakamalaking pinansyal na expo sa Italya, ang ITForum Rimini 2019, kung saan dadalo ang XM bilang isang exhibitor.

Magmula 2013, ito na ang ika-apat na pagkakataong pupunta ang XM sa ITForum Rimini, na gaganapin sa Foyer A ng Palacongressi di Rimini ngayong Hunyo 12-13. Magtatampok ito ng mga programang interesante sa mga nag-i-invest, kasama ang malawak na hanay ng mga workshop at mga pagpupulong na dedikado sa pag-invest online.

Ang expo ay inaasahang maghihikayat ng mahigit sa 100 exhibitors at ilan daang bisita na mahilig sa pag-trade online, na pupunta sa ITForum Rimini para makipagpalitan ng ideya at maging maalam sa pinakabagong mga balita sa industriya ng pananalapi.

Bilang isa sa mga pangunahing exhibitor, lalahok ang XM sa ITForum Rimini 2019 para personal na salubungin ang mga kliyente sa aming opisyal na booth blg. 37-40. Dito, ipapaliwanag namin sa mga bisita kung ano ang mahahandog ng XM sa mga Italyanong nagti-trade online, at makikipag-ugnayan kami sa mga kasalukuyang kliyente na gustong makilala ang mga kinatawan ng aming kumpanya.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring mag-click dito.