Lumahok ang XM sa The Forex Day 2017 Financial Expo sa Spain

Ipinaskil Hunyo 15, 2017 ng 10:04 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong June 10 ay isa na namang importanteng araw para sa XM: lumahok kami sa The Forex Day trade fair sa pangunahing pangpinansyal na sentro sa Timog Europa, ang Madrid.

Isinagawa sa LASEDE event centre, ang pinakamalaking international trading exhibition ay ini-host para magtipon-tipon ng mga retail online traders at pangpinansyal na institusyon na eksperto sa forex trading para sa isang-araw na event na nakapagbigay ng maraming programa kaugnay sa online investing.

Dumalo ang XM sa The Forex Day bilang FX Premium Sponsor ng prestihiyosong event, na isang napakahusay na oportunidad para ipakita ang aming mga serbisyo sa mga bisita, pati na rin para makilala ang marami sa aming mga kasalukuyang kliyente at salubungin ang mga prospektibong kliyente.

Bilang isa sa mga pangunahing event sponsors, binigyang-diin ng XM ang presensya nito sa The Forex Day bilang pangpinansyal na kumpanya na maaaring makatulong sa mga kliyenteng nagsasalita ng Spanish at makapagbigay ng mga serbisyong naaayon sa kanilang pangangailangan. Ang isang-araw na expo ay nagbigay ng oportunidad para ipakita ang mga serbisyong ito sa mga bumisita sa amin sa opisiyal na XM exhibition booth.

Nais naming pasalamatan lahat ng nakilala namin sa The Forex Day para sa kanilang interes sa XM. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa napakatagumpay na event.