Dumalo ang XM sa Money Show Financial Expo sa Athens

Ipinaskil Enero 25, 2018 ng 10:44 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng ika-7 at ika-9 ng January 2018, dumalo ang XM sa isa sa mga prestihiyosong pangpinansyal na expo sa Europe, ang Money Show sa Athens, Greece.

Ang tatlong-araw na event ay isinagawa sa Hotel Hilton Athens at naghikayat sa napakaraming bilang ng mga exhibitors mula sa industriya ng banking at finance para ipakita ang kanilang mga serbisyo at makipag-ugnayan sa mga kliyente nang personal.

Dumalo ang XM sa Money Show kasabay ng mga nangungunang pangpinansyal na kumpanya, bangko at brokerage firms, para sa pangunahing layunin na ipakilala ang mga serbisyo ng aming kumpanya sa mga online investors na interesadong kilalanin ang XM, at para makipag-ugnayan sa marami sa aming mga kasalukuyang kliyente. Higit pa dito, para sa mga retail traders na nais pang matuto sa kung paano mag-invest sa mga pinaka-tanyag na stocks sa Greece na maaaring i-trade sa MT5 platform, nagsagawa ang mga presenters na sina Avramis Despotis at Charalambos Spyridis ng libreng seminar sa mismong event noong January 8.

Lubos naming pinahahalagahan ang pagkakataong makilala ang lahat ng mga bumisita sa opisyal na XM exhibit booth, at nais namin muling pasalamatan lahat ng mga kliyenteng nakilala namin sa personal.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha noong event.