Dumalo ang XM sa ITForum Rimini 2018 Pangpinansy al na Expo

Ipinaskil Hunyo 20, 2018 ng 8:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pangalawang pagkakataon mula 2017, dumalo ang XM sa ITForum Rimini pangpinansyal na expo na isinagawa sa Italy noong June 14-15 ngayong taon.

Para sa XM isa na naman itong magandang pagkakataon para makipag-ugnayan sa mga retail traders sa Italy nang personal, at makipag-ugnayan muli sa maraming kasalukuyang kliyente na bumisita sa opisyal na XM expo booth. Dahil mahalaga sa amin ang personal na pagpapakilala ng aming mga serbisyo sa mga online investors na interesado sa amin, tinupad nito ng aming pagpunta sa ITForum.

Ang dalawang-araw na event ay isinagawa sa Palacongressi di Rimini, na siyang nagbigay ng makabuluhang expo na may layuning makagawa ng iisang lugar para sa mga kumpanya mula sa pangpinanysal na industriya at pagbabangko, at mga online investors. Ang ITForum, na siyang itinuturing na prestihiyoso sa Italy at iba pang bansa, ay naghikayat sa mahigit sa 100 kumpanya para ipakita ang kanilang mga serbisyo sa mga bisita.

Habang isinasagawa ang expo, na siyang nagbigay ng mahusay na programa sa parehong exhibitors at mga indibidwal, naglaan din ang XM ng oras sa pagtuturo ng forex. Para sa lahat ng nais matutong mag-trade gamit ang propesyonal na gabay, may serye ng mga presentasyon na ginawa ang XM sa booth ng kumpanya tungkol sa iba’t-ibang mahahalagang paksa sa online investment, na lahat may kinalaman sa trend following indicators sa pag-trade ng forex, kabilang ang paggamit ng Ichimoku Kinko Hyo, Heikin-Ashi at ng Kijun Sen indicator.

Isang malaking karangalan ang pagdalo sa ITForum Rimini 2018, at sa kabila ng XM nais naming iparating ang aming pagpapasalamat sa mga bumisita para sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng aming kumpanya sa dalawang araw na event na ito.