Dumalo ang XM sa ITForum na Pinansyal na Expo sa Milan

Ipinaskil Nobyembre 30, 2018 ng 1:08 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-27 at ika-28 ng Nobyembre, natutuwa kaming makabalik sa Italy para lumahok sa taunang ITForum expo tungkol sa pag-invest at pag-trade, na isinasagawa sa Milan, na kilala bilang isa sa mga siyudad sa kanlurang Europa na nakatuon sa negosyo.

Dedikado sa paghihikayat sa mga kumpanya at indibidwal na bisita, ang ITForum ay nagbigay din ng iba’t-ibang mga propesyonal na programa sa mga dumalo, kabilang na ang mga propesyonal na pagpupulong tungkol sa magkakaibang paksa sa pag-trade ng forex at CFD.

Ang XM ay isa sa pinakamalalaking internasyonal na broker na dumalo sa dalawang araw na kaganapan. Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na sumalubong sa mga bisita ay nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha sa mga interesadong makilala ang XM at ang malawak na hanay ng mga produkto na inaalok namin sa mga indibidwal na trader.

Ipinakita ng XM ang mga serbisyo ng kumpanya sa opisyal na puwesto nito. Dito, hindi lang namin personal na nakilala ang mga prospektibong kliyente, ngunit nakipag-ugnayan din ulit kami sa marami sa aming mga kasalukuyang kliyente at partner na naglaan ng oras para sa amin sa dalawang araw na ITForum.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga nagpakita ng interes sa XM, pati na ang aming mga kliyente at partner na nakapagbigay na naman sa amin ng pagkakataong pag-usapan ang kanilang mga pangangailangan sa negosyo at pag-invest.