Dumalo ang XM sa Invest Expo 2019 sa Stuttgart

Ipinaskil Abril 11, 2019 ng 11:55 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Abril, ika-anim na pagkakataon na ng XM na makapunta sa pinansyal na expo sa Germany, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay ang Invest 2019 na naka-base sa Stuttgart.

Bilang isa sa mga nangungunang pinansyal na kaganapan sa buong Europa, ang matagal nang hinihintay na Invest Expo at Kongreso sa Pananalapi at Pamumuhunan ay isinagawa sa Messe Stuttgart noong Abril 5–6, na siyang ikinatuwa ng daan-daang mga indibidwal na trader at exhibitor.

Lumahok ang XM sa dalawang araw na expo para sa layuning makipag-ugnayang muli sa napakaraming mga kliyente. Pakay din namin ang makilala sa personal ang mga bisita na gustong malaman ang mga bentahe ng advanced na pag-trade na ibinibigay ng XM sa mga kliyente, pati na ang pagtuon sa kliyente na sinisiguro namin sa lahat ng mga pumipiling mag-trade sa aming kumpanya.

Tulad ng mga nakaraang taon, dahil sa malawak na programa ng mga pagpupulong na may kinalaman sa pag-i-invest, nakapagbigay ang Invest ng mahusay na oportunidad para magkakilala ang mga bisita at exhibitor. Napamahagi din nito ang mahahalagang impormasyon sa mga indibidwal na gustong maging maalam sa mga pinakabagong balita sa market. Noong Abril 5 at 6, ang mga punong tagapagsalita sa pagpupulong ng XM na sina Gil Paz, Samir Boyardan at Markus Gabel ay sumalubong sa mga interesadong makinig sa makabuluhang presentasyon tungkol sa mga pinagtatalunang isyu sa pananalapi na humuhubog sa estado ng pinansyal na market sa buong mundo, pati na ang mga pamamaraan sa pamamahala ng pera na magagamit ng sinumang nag-i-invest online.

Sa kabila ng XM, gusto naming pasalamatan lahat ng nakilala namin dito para sa kanilang tunay na interes sa XM, at inaasahan naming makabalik ulit sa Germany sa hinaharap.