Nagsimula na ang XM Asia Tour 2015

Ipinaskil Oktubre 20, 2015 ng 4:54 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa ikatlong sunod-sunod na taon, ang pamunuan ng XM ay magsasagawa ng Great Asia Tour ngayong 2015, simula ika-20 ng October at magtatapos sa ika-6 ng December.

Sa higit 48 araw, ang CEO ng aming kumpanya kasama ng mga miyembro ng Senior Management ay pupunta sa grand tour, at bibisitahin ang Malaysia, China, Indonesia, Thailand at ang Pilipinas. Ang grand tour ay bibisita sa mahigit 10 siyudad sa mga bansang ito para makilala ang aming mga partner, at maintindihan at pag-usapan ang kanilang mga kasalukuyan at panghinaharap na pangangailangan nang harap-harapan.

Iniimbitahan namin lahat ng kasalukuyan at bagong Introducing Brokers, Affiliate Partners at mga indibidwal na interesadong maging kinatawan ng XM sa mga bansang ito para makilala kami.

Para tingnan ang iskedyul ng Asia grand tour at mag-book ng appointment maaaring mag-click dito.