Itinanghal ang XM bilang Pinakamahusay na FX Broker sa Europe ngayong 2017 ng World Finance Magazine

Ipinaskil Hulyo 12, 2017 ng 3:01 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Itinanghal ang XM bilang “Pinakamahusay na FX Broker sa Europe ngayong 2017”, na isang parangal na tinanggap mula sa mga mambabasa ng World Finance Magazine.

Ang World Finance Forex Awards ay isinagawa para makilatis ang mga mahuhusay na kumpanyang nagbibigay ng mas mainam na serbisyo, teknolohiya, market access at karanasan sa pag-trade sa mga kliyente nito.

Ngayong taon, ang XM ay kinumpara sa mga kakumpitensya na nagbibigay serbisyo sa sektor ng forex. Ang XM ay nakakuha ng puntos na mas mataas sa mga kakumpitensya sa:

  • Pagbibigay ng Pinakabagong Teknolohiya
  • Mas Mahusay na Karanasan sa Pag-trade
  • Customer Service
  • Pang-edukasyonal na Programa
  • Sa pag-anunsyong ito, inilahad ni Chris A. Zacharia, ang Marketing Director ng XM Group:

    “Sa bawat pagkakataong ini-aanunsyo ang XM bilang nanalo sa anumang kategorya, normal lang sabihin na espesyal ito sa pakiramdam. Kaya lang, mas masarap sa pakiramdam itong araw na ito dahil sa nakaraang 12 buwan marami kaming mga hakbang na isinagawa para palawakin at pabutihin ang aming mga produkto. Nag-invest kami nang husto sa teknolohiya para manatiling nangunguna sa napaka-higpit na European market kaya naman ang award na ito ay nagsisilbing patunay na ang aming pagsisikap ay patuloy na kinikilala, at ito naman ay kapaki-pakinabang. Nais naming ulit pasalamatan ang mga mambabasa ng World Finance Magazine para sa parangal na ito.”

    Tungkol sa World Finance Magazine

    Ang World Finance ay eksperto sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang negosyo at para sa mga investors sa financial markets.

    Nagta-trabaho kasama ng napakaraming institusyonal na investors mula sa buong mundo, kabilang ang mga bangko, fund at asset managers, credit agencies, capital markets at long-term investors na nagpapakilala sa kanila ng mga bagong oportunidad sa pag-invest sa global markets.

    Mula 2007, ipinagdiriwang ng World Finance ang tagumpay, makabagong ideya, at kahusayan sa kanilang taunang awards.