Tulong ng XM at MRCS sa mga Nabaha sa Malaysia

Ipinaskil Agosto 25, 2022 ng 7:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Abril 2022, nakipagtulungan ang XM sa Malaysian Red Crescent Society (MRCS) para maghanda at magpamigay ng mga hygiene kit sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa unang bahagi nitong taon.

Dumanas ang Malaysia ng sakuna na nangyayari lamang kada siglo. Tatlong araw na tuloy-tuloy na pag-ulan ang nagdulot ng pagbaha na sumalanta sa libo-libong tao sa pitong estado sa Malaysia, lalo na sa Terengganu at Kelantan, na sumira sa pag-asa nila na magkaroon ng manigong bagong taon.

Isa sa sentro ng aming corporate social responsibility ang pagkalinga sa mga mamamayan na makakuha ng mga pangangailangan lalo na sa panahon ng kahirapan. Nakipagtulungan ang XM sa MRCS para suportahan ang mga komunidad. Umalalay ang aming mga empleyado na maghanda at magpamigay ng mga hygiene kit para sa mga naapektuhang pamilya. Nagpamahagi kami ng mga simpleng bagay tulad ng toothpaste, sabon, at twalya upang makapagdulot ng kaunting ginhawa at alalayan silang tumutok sa pagbangon muli.

Dedikado ang Malaysian Red Crescent Society sa pagbibigay ng ayuda sa mga naghihikahos. Alamin pa ang kanilang mga proyekto at magbigay ng donasyon sa website ng MRCS.