Tumulong ang XM sa mga Binaha sa Indonesia

Ipinaskil Abril 15, 2024 ng 9:27 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pakikipagtulungan sa organisasyon na Human Initiative, nagkusa ang XM na suportahan ang mga nakalikas sa baha na tumama sa Demak, Indonesia, upang ipamalas ang mga bagay na pwedeng makamit ng sangkatauhan kapag nagsanib-pwersa ito.

Agad kaming tumugon sa flash flood na nangyari noong unang bahagi ng Pebrero. Sigurado kami na malaking bagay para sa mga nasalanta nitong di inaasahang sakuna ang dalawang daang meal packs, galon-galong tubig, at iba pang kagamitan sa kusina.

Hindi namin magagawa ang inisyatibang ito kung wala ang Human Initiative, isang organisasyon na naglalayong tumulong sa mga taong nangangailangan batay sa mga kasalukuyang pangyayari at pangangailangan. Dahil sa kanilang dedikasyon, tunay nga na sa panahon ng krisis, ang mabubuting tao at ganitong inisyatiba ang makakapagdala ng pagbabago sa buong mundo.

Ibinigay ang ayuda sa pamamagitan ng Demak flood donation program, at nagsisilbi itong matibay na tanda ng aming dedikasyon para iangat ang lipunan, kung saan sama-samang nagkakapit-bisig ang sangkatauhan.

Natutuwa kami at ipinagmamalaki namin ang donasyon na ibinahagi namin. Bukod sa nakaramdam ulit ng pag-asa ang mga bata at matatanda, napatunayan ulit ng XM na tugma ang kilos namin sa aming layunin at totoong kalooban. Hindi lamang kami basta-bastang kumpanya. Kami ay makatao. Kami ang XM, at nandito kami para kumilos.

Isinagawa ‘tong inisyatiba noong Pebrero 14–20, 2024 bilang bahagi ng patuloy naming pagsisikap na alalayan ang mga komunidad sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Magbasa pa tungkol sa Human Initiative at tulungan silang bumuo ng mas magandang hinaharap.