XM at BenihBaik Tumulong sa mga Kapus-palad

Ipinaskil Enero 18, 2024 ng 9:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagsanib-pwersa kami kamakailan sa BenihBaik sa Indonesia para maghatid ng saya sa mga nangangailangan na pamilya sa Penggilingan.

Nakatanggap ang 50 mahihirap na pamilya sa Penggilingan, Cakung District, East Jakarta ng 50 food packs na naglalaman ng mga pangangailangan tulad ng bigas, mantika, tsaa, asukal, kape, at sardinas. Kita ang tuwa sa kanilang mga mukha dahil sa naramdaman nilang pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.

Hindi namin magagawa ito kung wala ang BenihBaik dahil ino-organisa nila ang mga programa sa CSR nang may pagmamahal at pagkalinga, habang sinisigurado ang malawak na saklaw ng mga natutulungan, at doon mismo sa mga nangangailangan nito.

Dahil ang distrito ng Cakung ay isa sa mga lugar na naghihikahos sa East Jakarta, natutuwa kaming malaman na malaki ang naitulong namin bukod pa sa pamimigay ng makakain. Nagsilbi itong kislap ng pag-asa para patuloy silang mamuhay nang may dignidad, nang hindi masyadong inaalala ang mangyayari sa hinaharap.

Nangyari ang event na ito noong Nobyembre 25, 2023 sa Penggilingan, Cakung District, East Jakarta, at isa na naman itong patunay sa walang-tigil na pagsisikap ng XM na suportahan ang iba’t-ibang komunidad sa buong mundo.