Nagsanib-pwersa sa Jakarta ang XM at BAZNAS

Ipinaskil Hunyo 11, 2024 ng 10:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa isang nakakaantig na kolaborasyon, nakipagtulungan ang XM sa BAZNAS para magpamahagi ng Paket Ramadan Bahagia (packages na may basbas para sa Ramadan) sa 51 naghihikahos na pamilya sa Jakarta, Indonesia noong Abril 16, 2024.

Ang Ramadan at Eid al-Fitr ang ilan sa pinaka-inaabangang pagdiriwang sa Indonesia, pero maraming pamilya ang hindi nakakapagdaos nito nang maayos dahil sa kahirapan. Para gawing mas masaya ang selebrasyon at makatulong sa mga pangunahing pangangailangan, nagpamigay kami ng packages na naglalaman ng bigas, mantika, asukal, tsaa, toyo, sardinas, syrup, biskwit, at mga prayer mat.

Ang National Amil Zakat Agency (BAZNAS) ay isang organisasyon na binuo ng gobyerno para tumulong na maibsan ang paghihirap ng mga tao, protektahan ang buhay at dignidad, at tumugon sa mga sakuna. Nakatutok ang BAZNAS sa pagsisilbi sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa, kabilang ang pamimigay ng pagkain at mahahalagang bagay para sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa BAZNAS, layunin ng XM Indonesia na magdulot ng positibong epekto at suportahan ang kapakanan ng mga naghihirap na pamilya.

Alamin ang mga ginagawa ng BAZNAS at tuklasin kung paano ka makakatulong sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang website sa baznas.go.id.