Natanggap ng XM ang Gold Accreditation mula sa Investors in People

Ipinaskil Marso 2, 2020 ng 8:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan ang ibalita na ngayong Marso, pinarangalan ng Investors in People ang XM ng inaasam na Gold accreditation dahil sa napakataas na pamantayan nito sa pamamahala ng mga empleyado.

Hanggang ngayon, XM pa lang ang una at kaisa-isang forex broker na nakakuha ng Gold na lebel ng pagkilala dahil sa pagsunod nito sa Investors in People Standard. Kinilala ng Investors in People mula pa noong 2013 at pinarangalan ng Silver accreditation noong 2016, ang Gold accreditation ngayong taon ay isang patotoo sa napakalaking tagumpay ng XM pagdating sa pamamahala, paggamit at pagbibigay ng insentibo sa mga tauhan nito upang mahusay na maserbisyuhan ang mga kliyente.

Mula umpisa, sadya nang inuna ng XM ang pinakamahalagang asset nito: ang mga tao. Sa mabilis na nagbabagong estado ng industriya, kung saan susi ang pamumuno upang maging mas mahusay at magkaroon ng potensyal para mapuwersa ang mga tao na makamit ang kanilang mga layunin, napatunayan na naman ng XM na ang talento ng mga tauhan nito at kanilang disposisyon sa pagbabago, pati na ang dedikasyon sa pinakamahahalagang katangian, ay siyang tunay na dahilan kung bakit naiiba ang XM.

Dahil sa pamamahala ng mga empleyado at walang sawang dedikasyon sa pambihirang pagserbisyo sa mga kliyente, ang Gold accreditation mula sa Investors in People ay isang patotoo kung bakit pinagkakatiwalaan at patuloy na tinatangkilik ng mga kliyente sa buong mundo ang XM.

Tungkol sa Investors in People

Ang naka-base sa UK na Investors in People ay isang pamantayan pagdating sa pamamahala ng mga tao. Binibigyan nito ng akreditasyon ang mga kumpanyang nakakapagtamo ng kani-kanilang layunin sa organisasyon sa pamamagitan ng ulirang pamamahala at pag-unlad ng mga empleyado, na alinsunod sa Investors in People Standard.