Ika-6 na Anibersaryong Gala ng XM – Isang Gabi ng Karangyaan sa Jakarta

Ipinaskil Nobyembre 18, 2019 ng 1:22 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang paggunita sa tinatamasang tagumpay ng kumpanya katuwang ng mga kliyente ay ang dahilan kung bakit pambihira ang mga pangyayaring ito. Noong Nobyembre 9, nagkaroon kami ng pagkakataong ipagdiwang ang ika-6 na anibersaryo ng XM sa Indonesia, kasama ng napakaraming mga kliyente na nakisaya sa gala na inihanda ng XM.

Ang marangyang gabi ay idinaos sa Crowne Plaza Jakarta Hotel sa kapital ng Indonesia, na dedikado para pahalagahan ang matibay na pakikipag-ugnayan na nabuo namin kasama ng mga kliyenteng tumatangkilik sa amin nitong nakaraang anim na taon.

Ang gala ay may layuning makapagbigay ng di mapapantayang karanasan sa lahat ng mga bisita para malibang sa isang magarang handaan na may masayang kapaligiran, at mga live na pagtatanghal sa buong gabi tampok ang ilan sa mga pinakasikat na artista mula sa Indonesia.

Gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga bisita namin sa Indonesia dahil sa pakikipagdiwang ng ika-6 na anibersaryo ng ating matagumpay na pakikipag-ugnayan, at higit sa lahat dahil sa kanilang pagtitiwala at pagtangkilik sa XM sa loob nitong mga nakaraang taon.

Sa mga litrato sa ibaba makikita ang ilan sa mga di malilimutang pangyayari sa gala ng XM – mga kaganapan na ipinagmamalaki naming maranasan katuwang ng mga kliyente.